Who is Sarah Lahbati’s father all.uding to in “dogs bar.king” post?

Netizens speculate about "dogs barking" post of Sarah Lahbati's dad
Abdel Lahbati (second from right), Sarah Lahbati’s (3rd from left) father, posts happy family picture with wife Esther Lahbati (leftmost) and grandsons Zion (rightmost) and Kai (second from left).

May pinatatamaan ba ang ama ni Sarah Lahbati na si Abdel Lahbati sa kanyang post sa Instagram nitong nakaraang December 8, 2023?

Tila may pasaring kasi ang post ng Moroccan father ng aktres.

Kalakip nito ang larawan kung saan kasama ni Abdel ang kanyang pamilya habang nasa isang restaurant. Narooon ang kanyang asawang si Esther Lahbati, ang anak na si Sarah, at ang dalawang apo na sina Zion at Kai Gutierrez.

Sa caption, sinabi ng ama na ini-enjoy nila ang oras na magkakasama silang pamilya.

Buong caption ni Abdel, “Enjoying every moment with family.
The convoy keeps going and don’t mind dogs barking [flexed biceps emoji]”

Sa comments section, marami ang nakisimpatiya kay Abdel at sa kanyang pamilya.

Saad ng isa, “the dog is indeed barking lol [laughing emoji]”

Netizens react on Abdel Lahbati's post

Komento naman ng isa pa (published as is), “I frel you daddy Abdel, Sarah will aleays be your precious baby girl and doesn’t deserve that kind of treatment from her husband’s family. This is the most sad thing that can happen to a daughter marrying imto the wrong family who does not treat and owns her as their daughter, it is just so sad for Sarah and Richard.! [crying emojis]”

Netizens react on Abdel Lahbati's post

Dagdag ng isa pa, “Si Annabel na mapa driver katulong manugang walang patawad I think siya na talaga Yong PERFECT sa kasamaan ugali [laughing emojis]”

Netizens react on Abdel Lahbati's post

Mababanaag sa mga komento ng netizens na tila ang mother-in-law ni Sarah na si Annabelle Rama ang pinatutungkulan ni Abdel.

Si Annabelle ang tila unang nagkumpirma sa isang interview na may pinagdadaanan ngayon ang pagsasama ng anak na si Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah.

Sabi pa ni Annabelle sa isang post sa social media, ayaw niyang maghiwalay ang dalawa dahil mahal niya ang kanyang mga apo.

Pero may pasaring din ang celebrity mom na tila nagwawaldas ng pera si Sarah habang ang anak niyang si Richard ay kayod nang kayod.

Wala pang direktang sagot si Sarah tungkol dito.