Noong Miyerkules, February 21, 2024, in-upload sa YouTube channel ng reporter na si Jay Ruiz ang kabuuang interview niya kina Mayor Bullet Jalosjos at dating Congressman Atty. Bong Suntay.
Ito ay kaugnay ng pagkakadawit ng kanilang mga pangalan sa breakup nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Partikular na rito ang akusasyong sila umano ay mga “benefactor” o “sugar daddy” ng aktor.
Noong araw ring iyon nagsalita si Cristy Fermin sa kanyang radio program kaugnay ng inilabas na statement ng legal counsel ni Dominic, at sa sinabi ni Mayor Jalosjos na balak niyang magsampa ng kaso laban sa nagdawit sa kanila sa isyu.
Sina Mayor Bullet at Atty. Suntay ay matalik na mga kaibigan ni Dominic, at magkakasama sila sa grupo ng celebrities na mahilig sa motorsiklo.
Umabot ng 32 minutes at 18 seconds ang buong interview sa dalawang pulitiko. As of today, February 22, may mahigit 266,000 views na ito.
Sa kanilang panayam, hinimok nina Mayor Bullet at Atty. Suntay sina Bea at Dominic na magsalita na rin para klaruhin ang pagkakadawit nilang dalawa.
Apektado na rin daw kasi sila pati na ang kani-kanilang pamilya.
Alam naman daw ng dalawang politikong magsasalita sina Dominic at Bea, pero hinahayaan muna nila ang mga itong harapin kung anuman ang pinagdadaanan nila.
Sabi ni Atty. Suntay, “Minsan yung tsismis mas pinaniniwalaan kesa sa katotohanan, e.
“Dahil, di ba, the more na sensational yung istorya, mas madaming gustong makinig? At pagka napag-usapan na yun, ang daming gustong sumawsaw, di ba?
“Sadly, because of this breakup, siyempre affected silang dalawa. May mga tao na naapektuhan na hindi naman dapat. Kagaya namin ni Bullet, di ba?
“And we hope to come out to clear yung ano, yung pagkadawit naman sa amin ni Bullet dito sa sitwasyon.”
Sabi naman ni Mayor Jalosjos, “Although we understand their situation, we wanna give them time to heal, to talk about things na sana maayos din nila.
“But during those times na nag-iisip sila about what they’re gonna be doing, sana maisip din nilang may mga ibang tao na hindi kasama sa breakup na hindi rin puwedeng maiwasan lang din.
“We hope, as friends, I think it’s the most decent thing to do.
“Hindi rin kami tao na sanay sa mga ganitong issues. Although we are public personality, pareho kaming politiko, sanay kami sa mga issues, ngayon lang kami nakarinig ng ganitong issue sa akin.
“That’s the reason why, I hope, they find some time to work things out. Para lang it won’t get worse.
“Something as simple as fights and breakup, naging totally different monster, e. Because nga may mga hinahalo na dito.
“I think, it’s making it worse for everyone, not only for them, but lumalala sa amin din.
“Like I said, maliit na kurot, hindi naman masakit yun, e. Pero pag kinukurot ka palagi, as in araw-araw for isang buwan na, masakit na rin, e.
“That’s why the reason we’re here, kami ni Bong, ‘no, to say our side once and for all. Kami lang ni Bong talking.
“We’re doing this for public or anything, or fame? We don’t need it.
“Ang amin lang talaga, sana hindi maapektuhan yung mga people around us also.
“For us to come out and say na kahit papano hindi talaga totoo, e, yung nangyayari, e. That’s why we want to clarify that.”
JERRY OLEA
Sa tono ng mga sagot ni Mayor Bullet Jalosjos, tila pursigido siyang magsampa ng kaso kaugnay sa isyung ito.
“Yung sa amin naman… ako, specifically si Bong, we will do everything na ayusin din tong mga nangyayari.
“Para lang naman hindi na maulit o mangyari sa iba ang mga ganitong mga fake news na puwedeng sirain ang isang pagkatao, reputation ng public personality.
“I hope na because of this magkakapangil na yung batas, and I will do some legal actions on this.”
NOEL FERRER
Ibinahagi rin ni Atty. Bong Suntay na naging close na ng kanyang pamilya si Bea Alonzo, at sinabihan na nga raw siyang magninong sa kasal nila ni Dominic.
“Ako naman, I met Bea through Dom, ganun din naman si Bullet. He mentioned dahil si Dom ang kabarkada namin.
“But I became close to Bea because she would go to my house several times, kasama yung family ko. They would have dinner with us.
“Kagaya nga ng sinasabi ko, kukunin nga nila dapat akong ninong sa wedding nila, e.
“Kaya nga ako, confident na later on siguro, for the sake of that closeness, yung respect naman yun para sa amin na kaibigan niya, they should clarify this issue, come out, and explain,” saad ni Atty. Suntay.