Did Michelle Dee unfollow Oliver Moeller on Instagram?

Eagled-eyed netizens notice that Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee (left) has unfollowed “EXpecially For You” searchee Atty. Oliver Moeller on Instagram.

PHOTO/S: SPARKLE GMA ARTIST CENTER INSTAGRAM

Hindi nakaligtas sa mata ng mapanuring netizens ang biglaan umanong pag-unfollow ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa “EXpecially For You” searchee na si Atty. Oliver Moeller sa Instagram.

Ito ang mainit na usap-usapan ngayon sa Reddit, matapos mapansin ng ilang netizens na wala na ang pangalan ni Oliver sa following list ni Michelle sa Instagram.

Michelle Dee unfollows Oliver Moeller on Instagram

Kung bibisitahin naman ang following list ni Oliver ay makikita pa rin ang pangalan ni Michelle.

Oliver Moeller following Michelle Dee on Instagram

Si Oliver ang viral contestant na napiling maging ka-date ni Michelle nang sumalang ang beauty queen-actress sa special episode ng “EXpecially For You” sa unang araw ng pag-ere ng Kapamilya noontime show sa GMA-7 noong April 6, 2024.

Ayon sa mga tagahanga ni Michelle, ang pag-unfollow ng reigning Miss Universe Philippines kay Oliver ay nangyari matapos muling dumalaw ng Cebu-based laywer sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime nitong April 16, 2024.

Dito ay hindi naiwasang tuksuhin siya sa co-host na si Kim Chiu.

IS OLIVER MOELLER COURTING KIM CHIU?

Maliban dito, sa eksklusibong panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, inamin ni Oliver na bago pa siya sumalang sa “EXpecially For You” segment ay nagagandahan na siya kay Kim.

Sabi niya, “I’ve always thought Kim was such a pretty person.

“You know, she’s from Cebu. So, I mean, I guess you could say that.”

“Are you courting Kim?” sundot na tanong ni MJ.

Makahulugang sagot ni Oliver, “I don’t think it’s fair that I speak about that without Kim’s permission.

“So, I’m so sorry. I hope you understand. But Kim’s pretty nice.”

WHAT HAPPENED TO OLIVER AND MICHELLE’S DATE?

Matapos ang segment ng “EXpecially For You” noong April 6 ay agad ding lumabas na magkasama sina Oliver at Michelle para sa isang date.

Kumusta naman ang kanilang naging date?

Ayon kay Oliver, “Michelle is amazing, elegant, such a well-spoken person, very professional.

“So, yeah, amazing person.”

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon si Michelle tungkol sa dahilan ng pag-unfollow niya kay Oliver o klaripikasyon kung talagang pina-follow ba niya ito.