Nag-react si Karylle kaugnay ng iniisyung interaksiyon sa pagitan nina Kim Chiu at Janella Salvador sa It’s Showtime noong April 2, 2024.
Sa naturang episode ng Kapamilya noontime show, guest si Janella at ang Thai actor na si Win Metawin para i-promote ang kanilang pelikulng Under Parallel Skies.
Prinomote din ni Janella ang kanyang upcoming concert at single na “Headtone.”
Hiniling ni Kim kay Janella na mag-sample ito sa bago nitong single.
Hindi pa tapos magsalita si Kim, mabilis ang naging sagot ni Janella.
“Medyo paos ako today. Kayo na lang,” sabi ni Janella kay Kim.
Sumagot si Kim na pakinggan na lang sa streaming platform ang single ni Janella.
Biglang naging trending topic ang tagpong iyon sa social media.
May ilang netizens ang nagsabing “binastos” umano ni Janella si Kim sa nangyari.
Lalong nabigyan ng kulay ang isyung ito dahil sa “EXpecially For You” segment ng parehong episode, nagbitaw ng salita si Vice Ganda sa contestant ng “Medyo paos siya today. Kayo na lang,” na inulit ang statement ni Janella.
Naghabi ng kuwento ang netizens at nilagyan ng kulay ang mga hirit nina Janella, Kim, at Vice.
KARYLLE SPEAKS UP ABOUT JANELLA-KIM ISSUE
Sa April 4, 2024 episode ng Magic 89.9 radio/online station, inusisa ng radio DJ na si Mo Twister si Karylle tungkol sa isyung ito.
Tinanong ni Mo si Karylle kung totoong nagkaisyu si Janella kina Vice at Kim sa kanilang noontime show.
Kinontra ito ni Karylle at sinabing hindi naman ito isyu.
“It’s just that Janella is not feeling so well, and she’s preparing for her big concert, and she’s doing movie press.
“Siguro she’s not able to really rest and recover properly.
“So, we just asked her to do ‘sampol, sampol,’ but she wasn’t ready for it coz, obviously, she wants to be on tip-top shape for her concert.
“So, yeah, yeah, it was like a little moment that, you know, parang maybe to some people online, it meant something.
“But, you know, she just really couldn’t sing at that moment,” paliwanag ni Karylle.
BACKSTORY OF JANELLA’S ‘KAYO NA LANG’ REMARK
Sa radio program ay pinanood pa nina Mo at Karylle ang video clip ng interaksiyon nina Kim at Janella, kasama na rin ang punchline ni Vice ng “Medyo paos siya. Kayo na lang.”
Ipinaliwanag ni Karylle kung ano ang pinanggagalingan ni Janella sa komento niyang “kayo na lang.”
Lahad niya, “Prior to that interview with Janella and Win, there was a moment when Janella and Win…
“Kim Chiu and Anne Curtis did ‘Gusto Ko Nang Bumitaw,’ so she [Janella] meant was, ‘You guys sing so well [like the] voice ni Sheryn and it was so high, going higher and higher…’
“That’s why she [Janella] said, ‘Kayo na lang,’ kasi that’s what she meant. That was her reference naman.”
Pero idinagdag ni Karylle na iba ang interpretasyon ng ibang netizens sa pagbitaw ni Janella ng “Paos ako, kayo na lang.”
Inusisa ni Mo si Karylle kung bakit later sa show ay inulit pa ni Vice ang pahayag na ito ni Janella.
Ayon kay Karylle, hindi naabutan ni Vice ang pagkanta nina Anne at Kim bago magsimula ang programa kaya baka hindi nito na-catch ang konteksto ng istorya.
“Ano, late kasi siya dumating…” sabi niya.
Idinagdag pa ni Karylle kung bakit naging isyu sa iba ang pagtanggi ni Janella.
Kalimitan kasi ay laging “game” ang sinuman sa show—mapa-guest man o host—kapag hiningan ng “sampol.”
Maging si Karylle daw ay hindi nakakaligtas kapag siya ang pinapa-sampol.
Paliwanag ni Karylle, “Well, I guess kasi sa ‘sampol, sampol’ culture on our show, when people say ‘Do it!’ it’s usually automatic.”
Sabi ng singer-host “hundred splits” na raw ang nagagawa niya sa tuwing pinapasampol siya.
JANELLA’S EXPLANATION
Nauna nang nagpaliwanag si Janella kaugnay ng isyu.
Idinaan ng aktres sa social media ang kanyang reaksiyon kaugnay ng isyu.
Parte ng post niya sa X noong April 5: “Just to be clear, I have personally apologized for unintentionally offending someone but not for setting a valid boundary.
“If you twist my words that’s on you. I will always be assertive but never disrespectful.”
Pagpapatuloy pa ni Janella, hindi niya intensiyong makainsulto. Nagpapasalamat din siya sa supporters na nakakaunawa sa kanya.
Sabi niya, “I’ve been meaning to explain myself because the last thing i would ever want is to appear rude or disrespectful… and here i am being met with so much love and comfort upon opening this app.
“Thank you. It makes me happy to know that there are many people out there who know my heart and what i stand for.”