Kim Chiu, binahagi ang video ng muli nilang pagkikita ni Bela Padilla

Muling nagkita ang magkaibigang Kim Chiu at Bela Padilla sa Switzerland. Binahagi ni Kim ang kanilang pagkikita. Kim Chiu, binahagi ang video ng muli nilang pagkikita ni Bela Padilla

Nabiro pa ni Kim, sa wakas ay nagamit niya daw sa kanyang video ang kanta ni Jed na kadalasang ginagamit kapag nagtatagpo ang magkarelasyon sa airport.

May sumundo sakin sa train station. Finally nagamit ko na din yung kantang to by @jedmadelaofficial !!! momsy @bela miss you sooo muchie !!!! Always here for you!‍♀️ pero yung bag ko tumakbo din kasi eh!!! Wahahahaha

Marami naman sa kanilang fans ang natuwa na makita silang magkasama. Kasalukuyan namang nasa ibang bansa din ang kaibigan nilang si Angelica Panganiban. Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.