MANILA — Humarap kay Makati Senior Assistant City Prosecutor Hon. Arvin T. Amata si Awra Briguela para sa pagpapatuloy ng preliminary investigation kaugnay ng kasong light threats, grave coercion, at paglabag sa Safe Spaces Act na isinampa laban sa kanya.
Nakaharap ni Briguela ang nagrereklamong si Alyas Ron kasama ang kanyang abogado.
Ngayong araw nagsumite ng rejoinder ang kampo ni Briguela o kanilang sagot sa nauna nang affidavit ng kampo ng nagrereklamo sa aktor.
Tumangging magbigay ng pahayag si Briguela at abogado nito.
Ayon naman kay Atty. Nick Nañgit, pag-aaralan nila ang rejoinder na isinumite nila Briguela at maghihintay sila ng resolusyon kung aakyat na sa pagdinig sa korte ang kanilang reklamo.
“Mangyayari, submitted na ito for resolution. Maghihintay na lang tayo ng ilang araw para mag decide ang prosecutor kung may probable cause na isampa na sa korte,” ani Atty. Nañgit.
“Intayin lang natin ano desisyon ng prosecutor then kung ano resolution ila then saka kami kikilos base doon, ito yung tungkol dun sa 3 kaso na isinampa namin,” dagdag pa niya.