Canadian vlogger Kyle Jennermann now a Filipino citizen: “most important part of my life”

Kulas

Opisyal nang nanumpa ng “Oath of Allegiance to the Republic of the Philippines” noong September 13, 2023 si Kyle Jennermann o mas kilala bilang Kulas upang maging Filipino.

Sabi ng banyagang vlogger, ang pag-convert niya bilang Pilipino ang “most important part” ng kanyang buhay.

Ginanap ang kanyang panunumpa sa House of Representatives sa harap mismo ni Congresswoman Len Alonte ng Biñan City, Laguna.

Si Alonte ang principal author ng House Bill 7185 o “An Act Granting Philippine Citizenship to Kyle Douglas Jennermann.”

May 29, 2023 nang maaprubahan sa Senado ang naturang House Bill on its third and final reading.

Si Kulas ay isang Canadian-born vlogger na sumikat sa dahil YouTube channel niyang Becoming Filipino, na ipinapakita ng kanyang masidhing pagmamahal sa kulturang Pilipino.

Nito lamang June 13 ay nilikha ng Maramag, Bukidnon, ang Resolution No. 2023-287 o “Resolution Expressing Gratitude to Kyle Douglas Jennerman, AKA Kulas for his Promotion of Maramag, Bukidnon Especially Its Public Market” in his honor.

Isinabay ang paggawad ng special recognition sa 67th Foundation Day ng bayan.

Dahil ito sa vlog ni Kulas na nagpakitang natulog siya sa pamilihang bayan para ipakita sa kanyang followers and subscribers kung gaano ito kalinis.

Ayon sa mga opisyal ng Maramag, malaki ang naitulong sa turismo ng gesture ng banyaga.

“TODAY MARKS THE BEGINNING OF THE MOST IMPORTANT PART OF MY LIFE”

Base sa appreciation post ni Kulas sa kanyang Becoming Filipino Facebook page, napakahalaga para sa kanya na maging Filipino citizen.

Bukod sa matatas nang mag-Tagalog, naturuan din ni Kulas ang sarili ng rudimentary dialects.

Aniya sa isang bahagi ng post, “Today marks the beginning of the most important part of my life. I am ready for this. I am filled with belief, inspiration, gratefulness, and love.”

Kasunod nito ay ang taos-pusong pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanyang kagustuhang maging ganap na Pinoy.

Una na riyan si Congresswoman Alonte, gayundin ang mga itinuturing niyang “Titos and Titas from Cebu and Cagayan de Oro.”

Nagpasalamat din si Kulas sa kanyang Canadian family, “I know my parents would have loved to be with me here today… I will see them in the near future, and look forward to giving them my first big hug as a Filipino citizen!”

Sigurado umano siyang matutuwa ang mga ito na makilala ang kanyang Pinay girlfriend na si Therine Diquit at ang cameraman na si Kumar.

Sa huli ay pinasalamatan ni Kulas ang Filipino fashion designer na si Francis Libiran sa paggawa ng kanyang “100% Filipino made Bamboo Textile Barong.”

Sa isa pang post ay ipinaliwanag ni Kulas kung bakit ang bamboo fabric barong ang kanyang napiling isuot para sa mahalagang okasyon.

Ramdam na ramdam umano niya ang pagiging Pinoy sa Pintados-inspired barong gamit ang bamboo fabric, which was developed by (Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute).

“A Filipino designer, Filipino Fabric… really feeling like a Filipino the first moments after my Oath Taking!”

IS BECOMING FILIPINO CHANGING?

Ngayong ganap na ang kanyang pagka-Pilipino, aminado si Kulas na marami ang nagtatanong sa kanya kung babaguhin na ba ang ginagamit niyang title sa kanyang social-media channels na Becoming Filipino?

Mariing “NO” ang sagot ni Kulas.

Sa isang post noong September 18, 2023, ay ipinaliwanag nito ang kahalagahan ng “mentality of ‘becoming,’” base umano sa maraming messages na kanyang natatanggap over the years, lalo na yung mga nai-inspire sa mga discoveries niya as a Pinoy.

“Five days ago, I really did become a Filipino citizen… but now, more than ever, do I need to strive to continue learning and connecting with this part of my life,” pahayag ni Kulas.

“When you actually ‘become it’”… doesn’t mean you shouldn’t actively be learning more and more about what it means to be it,” dagdag pa niya.

Taong 2013 nang magsimulanng mamalagi si Kulas sa Pilipinas, partikular sa Cagayan De Oro City.

Memorable para sa kanya ang May 24, 2014, “the day I became ‘Kulas,’” na naging bansag sa kanya ng mga Pilipino.

Puno ng ingay ang mahigit isang dekadang pamamalagi ng binatang ipinanganak sa Vancouver Island, Canada, dahil na rin sa kanyang mga vlogs na pawang bida ang iba’t ibang lugar sa bansa, maging ang gawi at kultura ng mga Pinoy.

Kaya’t hindi nakapagtatakang marami ang natuwa nang siya ay maging opisyal na Filipino.

Katunayan, inulan ng pagbati at mga positibong komento ang vlogger sa kanyang mga social-media accounts.

Para naman kay Kulas, “My heart is so full. Getting called Kababayan everywhere I go.”