Sumulat at nagpaliwanag ang E.A.T. production sa MTRCB dahil sa sinambit ng isa sa mga host ng programa na si Joey de Leon sa “Gimme 5” segment ng TV5 noontime show noong September 23, 2023.
Pirmado ang sulat ni Jeny Ferre, E.A.T. Head of Creatives and Production Operations.
Natanggap ng Movie and Television Review and Classification Board ang sulat noong September 25.
Ipinaliwanag ng produksiyon ang kanilang panig sa naging viral na “lubid” joke ni Joey sa “Gimme 5” segment.
Ang “Gimme 5” ng E.A.T. ay may tatlong rounds.
Sa round one ng nasabing segment noong September 25 ay kailangang magbigay ng isang contestant ng limang bagay na isinasabit sa leeg.
Makikitang nahihirapan ang contestant mag-isip ng isasagot at tanging “necklace” lang ang nabanggit nito hanggang sa tuluyang maubusan na siya ng oras.
Pagkatapos maubusan ng oras ng contestant ay sinabi ni Joey na maaaring isama sa listahan ang “lubid.”
Aniya, “Lubid, lubid, nakakalimutan niyo.”
Sabi sa sulat na ibinahagi ng @inquirerdotnet sa X at nakapangalan kay MTRCB Chairperson Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio, “We are writing to formally explain an incident that occurred last September 23, 2023 during E.A.T.’s “Gimme 5” segment involving one of our host Mr. Joey de Leon.
“During the said incident, Mr. Joey de Leon suggested “lubid” (rope) as an answer to a question regarding things that may be worn around the neck.
“He conveyed this verbally in a very brief manner without further actions, elaborations or demonstrations.”
Hindi man dinugtungan ni Joey ang kanyang pagbanggit sa lubid, binigyan ito ng interpretasyon ng ilang manonood na may kinalaman sa pagpapatiwakal, na isang napakasensitibong paksa para sa mga manonood.
Dahil dito, humihingi ng paumanhin ang buong pamunuan ng E.A.T. sa lahat ng na-offend sa sinabi ni Joey.
Makakaasa raw ang ahensiya na katuwang nila ang E.A.T. sa pagpapalaganap sa mithiin nitong responsableng panonood.
“However, some viewers interpreted the utterance of the said object as an insinuation of suicide, which is a very sensitive and triggering subject.
“In this regard, the whole EAT management is regretful and apologetic to those who were offended by the said utterance.
“Rest assured that we are one with MTRCB in advocating a responsible viewing experience for the public.”
Sa ngayon ay inaantabayanan pa rin ng publiko ang desisyon ng ahensiya ukol sa pangyayaring ito.
Ang MTRCB chairperson na si Lala Sotto ay anak ng isa sa mga host ng programa na si dating Senator Tito Sotto.