Maggie Wilson on Victor Consunji, Rachel Carrasco: “They may try to bend me, but I will never br.eak.”

Maggie Wilson and Victor Consunji

Palaban ang mga pinakawalang salita ni Maggie Wilson sa gitna ng aniya’y pang-iipit sa kanya ng estranged husband na si Victor Consunji.

Sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, September 28, 2023, ipinaliwanag ni Maggie na nahaharap siya sa sampung kaso na may kinalaman sa adultery at cyber libel.

Si Victor ang complainant sa karamihan sa mga ito, habang ang iba ay isinampa raw ni Rachel Carrasco pati na ng kumpanya ni Victor na VCDC.

Si Rachel ang tinuturo ni Maggie na karelasyon at ina ng sanggol na anak ni Victor.

May reklamong isinampa rin daw ang business partner ni Rachel laban kay Maggie, pero nabasura na umano ito ng piskalya.

Sabi ni Maggie (published as is): “The first was filed in June of 2022 (last year). There are now cases now.

“Since then, Consunji and Carrasco have welcomed a daughter born in February 2023.”

Hindi raw maintindihan ni Maggie kung bakit patung-patong na reklamo ang isinampa sa kanya ni Victor at mga kasama.

“You’ve got to ask yourselves, WHY? Why file so many cases? What do they want? What is their end goal? What are they so afraid of, or what do they want to hide?”

OPEN TO CO-PARENTING, BLENDED FAMILY

Ayon kay Maggie, aminado siyang hindi madali ang hiwalayan nila ni Victor noong September 2021.

Pero hindi naman daw siya nagkulang pagdating sa kagustuhang maging maayos ang relasyon nila ni Victor sa ngalan ng kanilang anak.

“And yet, people ask why can’t she (me) move on. I walked away in 2021, and I walked away peacefully.

“Yes, things are always a little challenging at the start of ending a relationship, but I have always wanted peace.

“In fact, I wanted things to be friendly, amicable, and blended (and still do). I have never closed or cut communications. I have always tried to find reason and common ground for the sake of our son, Connor.”

Kaya hindi raw maintindihan kung bakit ayaw pa ring makipag-ayos sa kanya nina Victor at Rachel.

Dagdag ni Maggie: “On numerous accasions, Tim and I have reached out to Victor, his family, and Rachel privately.

“All of which have fallen on deaf ears.

“They have our numbers and can call us anytime to talk things through.

“Instead, we have been blocked, bombarded with cases, harassed, and received threats.

“Just because they seem quiet on social media doesn’t mean they aren’t doing anything to us offline to make our lives difficult.”

ON FIGHTING FOR HER RIGHT

Nilinaw rin ni Maggie na fake news ang kumakalat na impormasyon mula sa ibang media outlets na siya ay nahaharap sa “grand estafa cases.”

Wala raw iyon kaibahan sa mga TikToker o content creator na diumano’y binayaran para siraan siya at ang kanyang kumpanyang Acasa Manila sa social media.

“Although the last 15 months have been less than ideal, the silver lining to this is that my situation has opened up a conversation on how toxic our culture and society are.

“Everything from troll farms and misogyny to fake news is coming out in the wash.

“I know many people back home may not like me for these topics surfacing, but these are the hard conversations that other forward-thinking countries worldwide have had many years ago.

“Isn’t it about time that we are brave enough to do the same?”

Desidido raw si Maggie na ipaglaban ang karapatan niya at patuloy na ihayag ang saloobin sa pamamagitan ng kanyang platform sa social media.

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.