Kyline Alcantara reacts to Mariel Pamintuan’s bli.nd item about a “bida” co-star who slapped her hard

Mariel Pamintuan and Kyline Alcantara

Nagkomento si Kyline Alcantara sa blind item ni Mariel Pamintuan tungkol sa eksenang sampalan kasama ang isang kilalang artista.

Sina Kyline at Mariel ay parehong Sparkle GMA Artists, ang talent management arm ng GMA-7.

Ang TikTok video na ipinost ni Mariel noong September 26, 2023, ay tungkol sa umano’y bullying, pang-aangas, at intimidasyon sa kanya na kinabibilangan daw ng mga kilalang artista.

Walang pinangalanan si Mariel sa kanyang kuwento.

Unang ikinuwento ni Mariel ang tungkol sa bidang artista na naging co-star niya sa isang acting project.

Sa rehearsal daw, binilinan si Mariel ng producer na huwag lalakasan ang pagsampal sa bidang co-star.

Sumunod daw si Mariel during the take, subalit malakas na sampal daw ang iginanti sa kanya ng bidang artista.

Bahagi ng rebelasyon ni Mariel sa video, “Yung bida talaga, G na G sa akin. Yung tenga ko, nayanig! Yung kaluluwa ko naiwan dun sa set! Nagpalit na ng set up. ‘Cut!’ Nandun pa rin yung body and soul ko. Naiwan dun. Naiwan siya, na-shookt. Ganon.”

May pahabol si Mariel sa comment section ng TikTok video. Ang sabi niya (published as is): “p.s. nireshoot yung sampalan scene nakaganti naman ako kahit paano HAHAHA”

Sumagot dito si Kyline Alcantara (published as is): “Bakit di nyo po minention pangalan ko, madam mariel?”

comment

Kapansin-pansin ding binura na ni Mariel ang TikTok video niyang ito, pero nai-record na ito ng netizens at na-screenshot ang comment ni Kyline.

Sina Mariel at Kyline ay nagkasama sa Kapuso limited series na Luv Is: Love at First Read noon lamang Hulyo 2023.

Kaugnay nito, kumalat din ang behind-the-scenes ng sampalan nina Kyline at Mariel mula sa TV series.

Kinunan namin ng pahayag si Mariel tungkol sa isyu.

Nagkomento siya ng “no comment.”

May ilang impormasyon din siyang ibinahagi ukol sa isyu, pero nag-off the record na ito.

Mariel Pamintuan and Kyline Alcantara sampalan

Mariel Pamintuan and Kyline Alcantara sampalan