Heart Evangelista hints at “bl.ack pro.pa.ga.nda” against her

May pasaring ni Heart Evangelista tungkol sa aniya’y “black propaganda” sa kanya bilang isang fashion content creator.

Kaugnay ito ng bagong upload na video ng aktres sa Instagram noong Miyerkules, October 4, 2023.

Laman ng video ang pagpi-flex ni Heart na suot at gamit ang luxury brand na Louis Vuitton.

Caption ni Heart, “This place is a world on its own #LouisVuitton”

heart evangelista paris fashion week

Isa sa unang nagkomento sa comments section ay ang mister ni Heart na si Senator Chiz Escudero.

Sabi ni Chiz, “Always gorgeously beautiful… hot yet elegant and classy… continue to shine babe – doing what you love to do… and certainly do best!!! #PFW #trailblazer #ur1fan #no2nega”

Pabirong tugon ni Heart sa asawa, “@escuderochiz thanks babe [heart emoji] till 50 years old [heart emoji]

chiz escudero comment

Kapansin-pansin ang “#no2nega” hashtag ni Chiz.

May pinatatamaan kaya ito? Ano ang pinanggagalingan ng hashtag ng senador?

A NETIZEN’S FEEDBACK ON HEART

Sumunod na nagkomento sa IG post ni Heart ay isang newbie artist na si Bibo Bayona, na pinuri ang pagiging “trailblazer” ni Heart sa fashion scene sa kabila ng paninira ng iba.

heart evangelista comment

Malaman ang sagot ni Heart kay Bibo.

Sa puntong ito nabanggit ni Heart na mayroon umanong “third party” sangkot sa pag-“shadow ban” sa kanyang social media content.

Ang “shadowban,” ayon sa hootsuite.com, ay tumutukoy sa pagharang o paglimita ng isang social media platform sa content ng isang user nang hindi nito nalalaman.

Ibig sabihin daw nito, bababa ang reach o hindi lalabas sa feed ng ibang users ang social media content na na-shadowban.

Hinaharang umano ng social media platform ang content ng user kung tingin nito ay hindi “helpful” ang content ng user o kaya naman ay may nagawa itong violation sa guidelines ng social media platform.

Hindi tinukoy ni Heart kung sino ang hinala niyang third party sa dinanas niyang “shadowban” sa social media.

Basta desidido raw siyang ipagpatuloy ang ginagawa “because I don’t do this for fame… I do this for love and passion.”

Dagdag ni Heart, “I will keep doing this till I’m old and gray 🙂 even if no one is looking I will continue to express myself through fashion because this gives me happiness :)”

heart evangelista comment

SUPPORT FROM OTHER NETIZENS

Samantala, may ilan pang netizens ang pumuri kay Heart.

Sabi ng isa, napapatunayan daw talaga na ang pagtitiyaga ay nasusuklian ng tagumpay.

Sagot ni Heart, “@indayshopper salamat”

heart evangelista comment

Sabi ng isa pang netizen, “When a video can be called ‘breathtaking’ [heart emoji]”

Tugon ni Heart (published as is), “thank you [prayer emoji] appreciate your heart… may you be blessed more and more [heart emoj]”

heart evangelista comment