Ynez Veneracion on good terms with Toto Mangundadatu’s wife Sharifa Akeel

Ynez Veneracion happy for new parents Sharifa Akeel and Toto Mangudadatu

Masayang ikinuwento ni Ynez Veneracion na on good terms sila ng ex-partner na si former Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu at asawa nitong si Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel.

Ikinatuwa pa ni Ynez na may baby na ang dalawa, si Princess Salwa Akeel Mangudadatu.

Ipinanganak ni Sharifa ang panganay nila ni Toto na si Princess Salwa Akeel Mangudadatu noong August 24, 2023.

“Magkausap kami ni Sharifa simula pa pagbubuntis niya,” kuwento ni Ynez sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Biyernes, October 6, 2023.

“So, since first time mom siya, may mga questions siya about pregnancy at binibigyan ko siya mga idea paano alagaan ang newborn.

“Ngayon nga, magka-chat kami regarding kay Keilah, super [on] good terms kami.”

May isa ring anak sina Ynez at Toto, si Princess Keilah del Rosario.

Samantala, ibinalita ni Ynez sa PEP.ph na masaya siya na naging bahagi siya ng pelikulang Hiwaga.

Pambata ang tema ng pelikula kaya umaasa silang makapasok ito sa Metro Manila Film Festival 2023.

Ano ang role niya rito?

“Asawa ako ni Isko Moreno at mga aswang kami dito. Hiwaga is a fantasy film. So pambata ito para sana sa MMFF kung papalarin na makapasok kami,” sagot ni Ynez.

Proud din si Ynez na nakatrabaho niya ang dating alkalde ng Maynila at Eat Bulaga! host na si Isko.

Aniya, “It was such an honor na makatrabaho si Yorme though nagkasama na kami dati rin sa indie movie.

“Una, kinabahan pero mabait sya. Tahimik sa una pero mabait naman pag nakakausap mo na katagalan.

“Tapos hanga ako a kasi kung iisipin mo dating basurero daw siya tapos ang layo sobra ng narating from basurero naging artista then politician at ang talino.

“Sobrang madami kang matututunan pag kausap mo siya.”