Ikinabigla ng maraming kaibigan nina Janna Dominguez at Mickey Ablan ang pagpanaw ng kanilang panganay na anak na si Yzabel Ablan.
Binawian ng buhay si Yzabel, sa edad na 20, noong Sabado, October 7, 2023.
Ngayong Lunes, October 9, ibinahagi ni Janna sa social media ang dahilan ng pagkamatay ng anak.
Ayon sa aktres, “heart failure and lung infection” ang sanhi ng kamatayan ni Yzabel.
Inilihim daw sa kanila ni Yzabel ang kanyang naramdaman dahil ayaw nitong may mag-alala sa kanya at makaabala.
Nagpatingin naman daw ito sa doktor at naresetahan kaya akala nila ay okay na ang lahat. Ngunit bigla na lamang daw itong nahirapang huminga kaya isinugod ito ng kanyang yaya sa ospital.
Lahad ni Janna, “For those who are asking, Our Daughter Passed away
because of a sudden heart failure and lung infection.
“Sa sobrang ayaw nya nakaka abala ng ibang tao hindi nya sinabi samen mga nararamdaman nya.
“Nag pa check up sya the day before and doctor gave her meds na kaya iniisip namen ok na. Then bigla nlang ganon.
“She was at her condo in manila when she suddenly had a hard time breathing kasama nya Yaya ate Iyn nya that time. Ate Iyn called us kaya dumiretcho na kme agad ng manila.
“Pero wala after multiple attempts to revive here wala na tlag. God called her back home na.. We Love you our Chabelits so much.”
Nauna na rito ang anunsiyo ni Janna kung saan ang burol ng mga labi ni Yzabel.
“We will be holding her wake from October 8 to October 12 at La Pieta Funeral Homes, Angeles, Pampanga.
“We invite those who wish to pay their respects and celebrate her life to visit.
“Knowing Yza it will mean a lot to her.”
Si Yzabel ay anak ni Mickey sa naunang karelasyon.
Pero nakabuo ng solidong mother-and-daughter relationship si Janna at Yzabel kaya itinuturing na itong totoong anak ng Pepito Manaloto actress.