Naging emosyonal sina Kris Aquino at Kim Chiu sa kanilang muling pagkikita sa US.
Ilang taon na rin kasing hindi nagkita sina Kris at Kim.
Matatandaang lumipad si Kris papuntang US noong nakaraang taon para magpagamot.
Kaya naman hindi pinalampas ni Kim ang pagkakataong makita muli si Kris nang pumunta siya sa US kamakailan.
Labis namang ikinatuwa ni Kris ang pagbisita ni Kim na tinawag niyang “panganay.”
Sa video na ipinost ni Kris, makikita ang kanilang mahigpit na yakap sa isa’t-isa pati na ang ginawang pagyakap ng anak ni Kris na si Josh kay Kim.
Ani Kris, na-appreciate niya nang todo ang ginawang effort ni Kim na aniya’y namiss niya nang sobra. Pagbabahagi pa ni Kris, naibsan ang sakit na naramdaman niya nang turukan siya hapon ng parehong araw na binisita siya ni Kim. Kaya naman hiling ni Kris kay Kim, bisitahin siya nang mas madalas.
“All I can say is I love you, I super appreciate your effort to visit, and even if it was a gloomy day, you were the much needed reminder that after all the storms, we can look forward to a RAINBOW 🌈… I’ve missed you, as in SUPER. 50% less yung sakit nung biological injectable ko at 1 PM after seeing you, please visit again & often? Diba may bedroom ka na?” saad ni Kris.
Nagpasalamat naman si Kris kay Kim sa mahigit 16 na taon na pagmamahal at pagkalinga nito sa kanya.
“Thank you for until now (16 years & counting) genuinely caring for & trusting me; super sad your ka-birthday (ang anak ni Kris na si Bimby) because he arrived 10 mins after you left,” ani Kris.
Sa nasabing post, ibinahagi ni Kris na si Batangas Vice Governor Mark Leviste ang kinontak ng ate ni Kim para matuloy ang kanilang pagkikita.
“Videographer & the person kimmy’s ate contacted to coordinate was vice gov @markleviste- we’ve both learned from our mistakes…with God’s help sana tuloy tuloy na yung harmonious and supportive relationship namin. Thank you bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment,” sey pa ni Kris.
Nagpasalamat din si Kris sa mga taong patuloy na nagdadasal para sa kanya lalo pa’t maganda umano ang mga resulta nang kanyang pagpapagamot sa US.
“Thank you to all of you who are praying for me, slowly gumaganda my numbers. That’s because of the power of our collective prayers. God’s rewarding our #faith. Roughly 15 more months of treatment, but i’m alive and hopeful; tuloy ang LABAN, bawal sumuko. #grateful,” sabi pa ni Kris.
Panoorin ang video sa ibaba:
Ani Kim, masaya siya sa pagkakataong muling makita at makausap si Kris matapos ang ilang taon. Samantala, nagpasalamat naman si Kim kay Mark Leviste na aniya’y nag-reach out umano sa kanya.
“I love you so much ate.💗💗💗so so so much. Ngayon alam ko na saan ako mag message.🙏🏻 thank you so much to sir @markleviste for reaching out. Super happy ako.💗 happy ako to talk and see you ate after so many years. Love u ate.💗 @krisaquino”
Tugon naman ni Mark kay Kim: “@chinitaprincess Thanks for making time today, KCA…Kim Chiu Aquino 🫰🥰 Have a safe trip back home 🇵🇭.”