Herlene Budol, nanawagan upang mahanap si Catherine Camilon

Tumulong na rin ang Magandang Dilag star na si Herlene Budol sa panawagang mahanap si Catherine Camilon, ang guro at beauty queen mula sa Tuy, Batangas, na iniulat na nawawala mula pa noong nakaraang Huwebes, Oktubre 12, 2023.

Sa pamamagitan ng mensaheng ipinadala niya sa showbiz-oriented talk show na Fast Talk with Boy Abunda, hiniling ni Herlene na magtulong-tulong ang lahat sa pagbibigay ng impormasyon para mapabilis ang paghahanap sa kinaroroonan ni Catherine.

Parehong naging kandidata sa Miss Grand Philippines 2023 sina Herlene at Catherine.

Si Herlene ang hinirang na Miss World Tourism Philippines 2023, samantalang hindi pinalad si Catherine na magkaroon ng puwesto.

Pahayag ni Herlene: “Catherine Camilon is one of my sisters sa Miss Grand International [Philippines]. Sana kung nasaan man siya ay nasa maayos siyang kalagayan at makauwi na siya sa kanyang pamilya.

“Tulong-tulong po tayong mag-share ng information para mapabilis ang paghahanap sa kanya.

“Sis, uwi ka na,” apela ni Herlene sa publiko at sa beauty queen na palaisipan sa lahat ang misteryosong pagkawala.

Si Catherine ang may hawak ng titulo na Binibining Batangas Quarantine 2020. Noong 2022, sinubukan niya ang kanyang kapalaran sa Miss Fit Philippines at sa Binibining Pilipinas.

Kabilang si Catherine sa dalawampu’t walong kandidata ng Miss Fit Philippines.

Naghain naman siya ng aplikasyon sa 58th Binibining Pilipinas, pero hindi napiling opisyal na kandidata.

Sumali rin si Herlene sa nasabing national pageant noong 2023, at hinirang na first runner-up.

Noong Miyerkules, Oktubre 19, 2023, idineklara ng Batangas Police Provincial Office na “missing person” si Catherine.

Huli siyang nakita sa isang mall sa Batangas ilang oras bago siya nawalan ng komunikasyon sa kanyang pamilya noong Oktubre 12, 2023.

Ang GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog ang naglabas ng kopya ng CCTV footage na nakalap ng Tuy Police Station na nagpapakita kay Catherine na walang kasamang naglalakad sa loob ng mall.

catherine camilon cctv footage

Sa kasamaang-palad, maliban sa CCTV footage na kuha mula sa mall, hindi na nakunan ng video ang ibang mga lugar na pinuntahan ni Catherine dahil, diumano, hindi gumagana ang mga surveillance camera.

Malaking kapabayaan ito dahil sa panahon ngayon na maraming uri ng krimen ang nangyayari, napakahalaga ng mga surveillance camera sa mga imbestigasyon at paghahanap ng katotohanan.

Bago pa nanawagan si Herlene na tumulong ang publiko sa paghahanap kay Catherine, nagpapadala na ang netizens sa mga kamag-anak ng nawawalang beauty queen ng mga impormasyong maaaring makatulong sa imbestigasyon.

Isang netizen ang naglabas ng mga screenshot mula sa Facebook page ni Catherine na nagbahagi noong June 13, 2021 ng saloobin tungkol sa wagas na pagmumura sa kanya ng lalakeng nagpakilala bilang supporter na nagalit dahil hindi niya tinanggap ang “friend request” nito.

CATHERINE’S LATEST FACEBOOK POST

May mga hinala namang may pinagdaraanang problema si Catherine dahil sa tila may pahiwatig na huling Facebook post nitong akda ng isang Ren Ednalig, ang “The Storytellers,” na ibinahagi ng beauty queen noong Oktubre 10, 2023, dalawang araw matapos ang kanyang mahiwagang paglalaho.

Có thể là hình vẽ ngẫu hứng

Nakasaad dito: “I see myself as a book, that some people might want to read, while some might just want to leave me on a shelf.

“I have my favorite chapters inside my own narrative; but I know that not everyone would like to know my plot; not all people might want to learn about my story and it’s fine, for I also have some parts of me that I didn’t want to go back to;

“I have pages in me that I no longer want to re-read; and I have portion of my tale that I badly desire to just tear down and be forgotten alike anybody else, I am still discovering me and out of all the stories I’ve read, mine is still the best one that I will choose to live.”