Former actor Robby Tarroza claims Pia Magalona was never married to Francis M.

Pasabog ang mga alegasyon ng dating commercial model at showbiz personality na si Robby Tarroza tungkol sa namayapa niyang kaibigang si Francis Magalona at sa asawa nitong si Pia Magalona.

Kaugnay ito ng paglantad ng dating flight attendant na si Abegail Rait at pagsisiwalat nitong nagkaroon umano sila ng relasyon ni Francis noong nabubuhay pa ito.

Kasabay nito ang pagpapakilala ni Abegail sa naging bunga raw ng pagmamahalan nila ni Francis—ang 15-anyos na ngayong si Gaile Francesca.

Noong Sabado, October 21, 2023, ginulat ni Robby ang marami nang isiwalat niya sa pamamagitan ng Facebook ang mga pribadong pag-uusap nila ni Francis noong nabubuhay pa ito tungkol sa pagsasama nila ni Pia at maging ang relasyon nito sa isang babaeng hindi niya binanggit ang pangalan.

Ayon kay Robby, naging matalik silang magkaibigan ni Francis matapos niyang iprodyus ang concert tour ng rapper-actor sa Pilipinas.

Sa U.S. na ngayon nakabase si Robby.

Sumakabilang-buhay si Francis, sa edad na 44, dahil sa acute myeloid leukemia noong March 6, 2009.

ROBBY: “WAS KIKO MARRIED TO PIA?”

Sa Facebook post ni Robby, nagpahiwatig siya na hindi naging maganda ang pagsasama nina Francis at Pia bago bawian ng buhay ang Master Rapper.

Gaya ng alam ng karamihan, bago pa raw maging sina Pia at Kiko, palayaw ni Francis, ay may dalawa nang anak si Pia sa una nitong nakarelasyon.

Hindi rin daw maaaring sirain ang pagsasama nina Francis at Pia dahil, ayon kay Robby, hindi naman umano sila ikinasal.

Pagsisiwalat ni Robby (published as is), “WALA KASI TAYONG DIVORCE SA PILIPINAS!!!! But even with kasal, ang tanong, WAS KIKO MARRIED TO PIA???!

“No, she was married to another guy with last name Lu and they had a son, Niccolo and daughter Unna, Who Many of us knew this!”

Bagamat hindi pa nagbibigay ng pahayag si Pia kaugnay ng paglantad ni Abegail at ng anak nito, karamihan ng netizens ay nakikisimpatiya kay Pia at siya umanong biktima sa sitwasyong ito.

Pero iba ang paniniwala rito ni Robby.

Pasaring niya sa biyuda ni Francis, “Pia huwag ka magpabiktima! grabe ka! No one broke up your marriage dear! You were never married in the Philippines!”

Tila tugma ang sinabi ni Robby tungkol sa unang nakarelasyon ni Pia dahil sa ilang post ni Pia sa Instagram na nakatag-sina Unna at Niccolo ay gamit pa rin nila ang apelyidong Lu.

Robby Tarroza on Francis M. and Pia Magalona

Robby Tarroza on Francis M. and Pia Magalona

Kasunod nito ay ibinahagi ni Robby kung paano sila naging malapit na magkaibigan ni Francis.

Lahad niya sa kanyang Facebook post (published as is), “OK mga palanga na mga magaganda at pogi!!!! Here is my Francis Magalona story.

“I met Francis thru Larry Scott (my album producer then, in 1992. We ran into Francis at a recording studio owned by Jose mari Gonzalez, father of both Ana Margarita Gonzalez and Cristina Gonzales Romualdez.

“Right away, Kiko (Francis) and I hit it off. He always went out of his way to say hi to me.

“A few years later, my ex and I started producing major concerts in the Philippines and Japan .

“In 1999 if I’m not mistaken, we produced a concert tour for Kiko. Unfortunately it wasn’t a profitable tour and Kiko knew it.

“This is why he said to me, ‘Rob, part of the construction of my house in Cottonwood Heights Subdivision in Antipolo, was from you. I will always be grateful for your help.’”

Tugma ito sa published address nina Francis sa Cottonwood Heights, Antipolo City.

FRANCIS ALLEGEDLY OPENED ABOUT MARRIAGE TO PIA

Bagamat nagkahiwalay na raw ng landas sina Robby at Francis pagkatapos ng concert tour, kapag nagkikita sila ay “super kuwentuhan” ang nangyayari.

Sabi ni Robby, “So life went went on and we rarely saw each other. But when we did, super kuwentuhan kami for hours.

“Francis loved me and showed it everytime we got together. May utang na loob yun.”

Taong 2007, muli raw silang nagkita ni Francis sa Makati.

Dito raw naglabas sa kanya ng saloobin ang rapper-TV host tungkol sa naging kaso nito noon, pati sa buhay-pamilya nito.

May 2001 ay naaresto ng pulisya si Francis dahil nahulihan siya ng marijuana.

Saad ni Robby, “So fast forward to 2007, (if I’m not mistaken) I ran into Kiko in Makati.

“He looked so fresh and glowing. We talked a little about his marijuana possession case then he invited me to go smoke cigars somewhere on Wilson in Greenhills.

“I don’t smoke cigars but I still went to have a few drinks with him.”

Ayon pa kay Robby, sinabi sa kanya ni Francis na iniwan na nito si Pia dahil hindi na raw nito matiis ang mga pag-aaway nilang mag-asawa.

Ilang buwan ang lumipas, muli raw silang nagkita ni Francis.

Dito naman daw sinabi ni Francis sa kanya ang tungkol sa bagong babaeng nagpapatibok ng puso nitong “totally the opposite sa ugali ni Pia.”

Hindi sinabi ni Robby ang pangalan ng babae, ngunit mahihinuhang si Abegail ang kanyang tinutukoy.

Lahad ng dating commercial model at matinee idol, “A few months later we met again and he mentioned he was with another woman who is totally the opposite sa ugali ni Pia.

“He stressed, ‘Ang sarap pala ng ganitong ‘real love’ Robski.’ Yeah he called me Robski, lol, pang ganster ko yun.”

FRANCIS’S ALLEGED LOVE CHILD

Ayon kay Robby, nangako siya kay Francis na itatago ang lahat ng kanilang pinag-usapan sa pagitan lamang nila.

Hindi rin daw siya nagkaroon ng pagkakataong makilala nang personal ang babaeng minahal daw nang husto ni Francis.

Kuwento niya, “Francis and I kept in touch and I vowed to keep everything between us.

“I never had the chance to meet this girl he loved so much. Maybe one day I will, both her and Francis’s love child.

“Yes, love child because she was conceived by real love.

“Francis wants the world to know about her. I’m sure he does.”

Paalala pa ni Robby sa mga “judgemental people,” hiwalay na raw sina Francis at Pia nang makatagpo ng bagong pag-ibig ang una.

Inilarawan din niya ang pagsasama nina Francis at Pia bilang “destructive and dysfunctional.”

Sabi ni Robby (published as is): “So for all you judgemental people that did not know the real story, Francis and Pia were already seperated before he got into this amazing relationship.

“He deserved to experience real love at least once in his lifetime.

“I knew them both, Pia and Francis, I witnessed bloody fights between them.

“Very destructive and disfunctional.”

Ayon pa kay Robby, sinabi sa kanya ni Francis na nag-stay lamang siya sa pagsasama nila ni Pia dahil sa kanilang mga anak.

“I know kiko is watching all this and he knows what he wants for his children, all his children

“Di ba, mga kababayan ko?!!!!”

Robby Tarroza on Francis and Pia Magalona

Bukod sa dalawang anak ni Pia sa unang nakarelasyon, meron din silang anim na anak ni Francis — sina Maxene, Frank, Saab, Elmo, Arkin, at Clara.

“SOBRANG KAWAWA SA BASHERS”

Kinagabihan ng Sabado, October 21, 2023 (oras sa Pilipinas), hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahintulot ni Robby para ilathala ang kanyang mga ibinunyag sa Facebook.

Pumayag naman ito. Nagbigay rin siya ng maiksing panayam sa amin.

Bakit nagdesisyon si Robby na isiwalat ang mga sinabi sa kanya ni Francis noon, gayong sumumpa siya ritong hindi nila ilalabas kung anumang pinag-usapan nila?

Paliwanag niya sa PEP.ph, “I decided to post because I felt bad for Abby and her daughter. Sobrang kawawa sa mga bashers.

“Walang kalaban-laban, e. Tinatawag sila ‘home-wrecker’ at ‘kabit.’

“And that child has every right just like any other child of Kiko has.”

Nilinaw rin ng PEP.ph kay Robby ang tungkol sa sinabi niyang paglayas ni Francis sa bahay nila sa Antipolo at lumipat sa isang condo unit.

Sabi niya, “I have other friends that know magkahiwalay na sila. Kiko got his own condo. Matagal na di siya umuuwi doon sa Antipolo.”

Dahil sa mga pagsisiwalat niyang ito, maaaring isipin ng mga nakabasa ng kanyang Facebook post na may galit siya kay Pia.

Kaya direkta naming tinanong si Robby kung may galit o alitan ba sila ni Pia kaya nagsasalita siya ngayon.

Tugon niya, “Di naman ako galit kay Pia. I am just coming out with this story because I feel I need to stick up for Kiko’s child. She doesn’t deserve this.”

May ipinaabot ding mensahe si Robby sa biyuda ni Francis: “Sana, Pia embraces Kiko’s other children. Wala na si Kiko at wala naman kasalanan ang bata.”

Humingi ang PEP.ph ng statement kay Pia, sa pamamagitan ng direct message sa Instagram at text noong gabi rin ng Sabado, October 21, 2023, kaugnay ng mga naging pahayag ni Robby.

Muli kaming nagpadala ng text sa kanya noong Linggo ng umaga, October 22, 2023.

Nag-text ulit kami kay Pia kahapon, Lunes, October 23, 2023.

Pero hindi pa siya tumugon sa alinman sa mga ipinadala naming mensahe.

Samantala, hindi na mapadalhan ng direct message si Pia sa Instagram kahapon din.