It’s Showtime pasabog ang pagbabalik sa ere pagkatapos ng 12-day suspension

it's showtime returns

Matinding paghahanda raw ang ginawa ng mga taga-It’s Showtime na magbabalik na bukas, October 28, 2023, Sabado.

Isa sa pasabog sa kanilang pagbabalik ay ang grand finals ng “Mini Miss U,” kung saan isa sa mga hurado ay si Gladys Reyes.

Nakatsikahan namin ang aktres sa mediacon ng bagong action-drama series niya sa GMA-7, ang Black Rider.

Excited na raw siya sa pagbabalik nila, lalo na’t grand finals na ng “Mini Miss U.” Pero may dagdag na pasabog daw sila sa grand finals na ito ng mga bata.

Ani Gladys, “Exciting ang finals ng Mini Ms. U kasi, naku, merong karagdagang hurado.

“Merong bonggang hurado na makakasama namin siyempre, na obviously mga sikat na dating child stars na hanggang ngayon, active pa rin. Mga pillars ng movie industry, like Ms. Maricel Soriano and Ms. Snooky Serna na makakasama namin. Of course along with Kuya Onin [Niño Muhlach] pa rin.

“Kaya nakakatuwa nga. Ako yung pinakabunso sa kanila, pero mapahilera sa kanila talagang malaking karangalan, di ba? Kaya excited ako.”

Cool lang naman ang mga taga-Eat Bulaga! sa pagbabalik ng It’s Showtime. Ganun pa rin naman daw sila.

Ang mahalaga raw ay mas marami silang mabibigyan ng tulong sa kanilang “G sa Gedli” at magkakaroon ng elimination uli sa kanilang “BPop Girls.”

Siyempre, curious tayo kung bobongga ba ang ratings ng It’s Showtime sa pagbabalik nito.

Mas marami rin kaya ang patalastas nito kumpara sa It’s Your Lucky Day? Abangan, madlang people!

I’m sure, tuloy lang an buhay sa ibang noontime show tulad ng Eat Bulaga! ng GMA-7 at E.A.T. ng TV5.

Nakakaaliw ang pabonggahan ng mga noontime show na talagang umigting ngayong taon.

Dito, totoong-totoo na tayong mga audience ang panalo! (Na-miss ba ninyo iyung item ender na yun? Hehehe!)