Arron Villaflor asked about why he and Jane de Leon bro.ke up

Arron Villaflor and Jane de Leon
Arron Villaflor on ex-girlfriend Jane de Leon: “If I will see her, I will casually greet her pero not to the point na share stories. Mas okay na po siguro na ganoon na lang.” 
Ang relasyon nila noon ni Jane de Leon ang isa sa mga itinanong kay Arron Villaflor nang humarap siya nitong Linggo ng tanghali, Oktubre 29, 2023, sa media conference para sa Tuhog.

Ang Tuhog ang sexy drama movie na pinagbibidahan nila nina Joko Diaz at Apple Dy na mapapanood sa Vivamax simula sa November 3, 2023.

Natawa nang malakas si Arron sa tanong kung may kinalaman sa pagpapaseksi niya sa mga pelikula ng Vivamax ang paghihiwalay nila ni Jane.

Anim na taon na ang nakalilipas mula nang magwakas ang kanilang relasyon samantalang noong nakaraang taon lamang nag-umpisa ang kanyang pagtanggap ng mga proyekto na may mapapangahas na eksena.

“Matagal na po ‘yon, 2016 to 2017 po. Personal reason po,” sagot ni Arron tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Jane, na gumanap na Darna sa television series ng Kapamilya Channel.

Nasundan ang mga tanong kay Arron tungkol kay Jane dahil ramdam ng aktor na may gusto pa malaman ang press tungkol sa nakaraan nila ng aktres.

“Fire na! Sige lang po, may gusto pa po ba kayong itanong tungkol kay Jane de Leon?” natatawang hirit ni Arron.

Sabi niya tungkol sa dating nobya, “Happy ako para sa kanya. Hopefully, mag-succeed siya.”

Maliit lamang ang mundo ng local showbiz, pero hindi pa nagkikita nang personal sina Arron at Jane buhat nang maghiwalay sila noong 2017.

Kuntento na ang 33-year-old actor sa ganoong sitwasyon.

“Hindi pa po [kami nagkikita] since the breakup. In fairness, parang okay na rin sa ganoon.

“If I will see her, I will casually greet her pero not to the point na share stories.

“Mas okay na po siguro na ganoon na lang.”

Isang entertainment editor ang nagkomento, “Sana maging Captain Barbell ka naman.”

Napahalakhak na sagot ni Arron, “Sana po.”