Ricci Rivero sla.ms bas.her wishing d.ea.th for his entire family

Muling pumatol sa isang basher ang basketbolistang si Ricci Rivero.

Sa kanyang Facebook account noong nakaraang October 29, 2023, ibinahagi ni Ricci ang screenshot ng sinabi ng isang netizen tungkol sa kanilang pamilya.

Post ng netizen, “Etong pamilya ni Ricci Rivero dinadamay pa si God sa mga pinag sasabe nila. Kunin mo na nga sila God para matahimik na mga yan”

Sumagot naman sa komento niya ang isa pang netizen. Sabi nito, “Lagi yan dito samin sa Los Baños ano gusto mo gawin ko meme (laughing emojis)”

Tugon ng unang netizen, “Pag untugin mo bhiee ng matauhan haha”

Basher of Ricci Rivero
Caption ni Ricci sa kanyang post bilang tugon sa komento ng netizen, “If you think wishing death for my family makes you noble, I think your fascination with showbizness needs some serious reflection Mr. Magna Cum Laude of PUP.”
Mở ảnh

Miyembro ang pamilya ni Ricci ng Christ’s Commission Fellowship.

Noong October 20 lamang, tinawag na “bida-bida” ng incoming PBA player na si Ricci ang isang basher na sinabihan siyang huwag manood ng basketbal game ng UP versus La Salle sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) game.

Naganap ang laban ng dalawang koponan sa Mall of Asia (MOA) Arena noong October 18, 2023, kung saan kasama ni Ricci na nanood ng game ang noon ay rumored girlfriend pa lamang niyang si Leren Mae Bautista.

Sa X (formerly Twitter) noong araw ring iyon, isang basher ang tila nag-udyok sa kanyang “maglaba” na lamang imbes na manood ng laro.

Ayon sa basher, “MAGLABA KA NALANG PLS WAG KA NA MANOOD NG UP GAMES [praying hands, crying emojis] @_ricciiirivero”

Tila galing sa panayam noon sa ex-girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes ang sinabi ng netizen.

“Iiyakan ko yung lalaki na hindi nagpapa-laundry ng isang taon?” patutsada noon ng aktres sa ex-boyfriend na si Ricci.

Hindi madalas pumapatol si Ricci sa basher pero sinagot niya ang nasabing netizen.

Buwelta niya, “ah wala pumapansin sayo sa bahay kaya dito ka hahanap ng papansin? Lol as bida bida”

Matapos nito, nag-hard launch o opisyal nang inihayag ni Ricci ang relasyon nila ni Leren sa pamamagitan ng Instagram, noong October 21, 2023.

Suportado naman ng kanyang mga magulang na sina Ruzcko Rivero at Abigail Rivero ang relasyon niya at ni Leren.