Gabby Eigenmann, “na-frustrate” sa pakikipagtrabaho kina Vilma Santos at Christopher de Leon

Kasama si Gabby Eigenmann sa pelikulang Pakawalan Mo Ako (1981) na pinagbidahan nina Vilma Santos, Christopher de Leon, at Anthony Castelo, sa direksiyon ni Elwood Perez.

“Three years old pa lang ako noon. I was the baby there,” pagsisiwalat ni Gabby sa mediacon ng pelikulang When I Met You In Tokyo noong Oktubre 26, 2023, Huwebes, sa Seda Vertis North, Quezon City.

IN PHOTOS: Gabby Eigenmann renews ties with GMA Network | GMA Entertainment

“Kinikilabutan ako, o. Anyway, kung tatanungin nyo ako kung ano ang experience ko na makatrabaho sila, nakaka-frustrate.

“Kasi kami, dapat ang title nung sa amin, When I Met You In Manila. Sila lang yung nag-Tokyo.

“OK, ito, para clear… kumustang kaeksena si Ate Vi? Kaeksena ko siya via Facetime — pero hindi ko siya nakakausap.

“Kasi siyempre, alangan namang magtawagan kami? So, isang eksena, kunyari magkausap… ang hirap! Parang pinatikim lang ako ng experience!” natatawang bulalas ni Gabby.

“Kasi, wala akong maalala nung three years old ako, e. So, opportunity sana na makaeksena ko si Ate Vi dito sa movie. Of course, si Tito Boyet, nakatrabaho ko na.

“Si Ate Vi talaga, it’s always been a dream to experience. I mean, kahit sino namang artista, pero pag kasama mo si Ate Vi, na thinking, growing up, when I was, yun nga, baby ako.

Vilma Santos excited for MMFF 2023 movie with Christopher de Leon | PEP.ph

“I did a movie. Yun ang sabi ng daddy ko sa akin. But now, yun na nga, na-experience ko to do a movie, When I Met You In Tokyo… hindi pa rin kami nagkaeksena!”

Si Gabby ay anak ni Mark Gil, na leading man ni Vilma sa pelikulang Miss X (1980), na idinirek ni Gil Portes.

Isang tawag lang kay Gabby Eigenmann ng producer na si Redgie Magno, umoo na agad siya sa pelikulang When I Met You In Tokyo.

Kuwento ni Gabby, “Nung nilatag yung ano, alam mo, wala namang isip-isip, Ate Vi and Tito Boyet yan.

“It’s always been an honor to work with great actors. Kasi, pag pinagsama-sama natin kung ilang taon sila sa industriya, hindi mo talaga sila maaabutan at mahahabol.

“But you’ll learn a lot from them. And I’m very honored.”

Anim na dekada na sa showbiz si Ate Vi, na nag-umpisa bilang child actress sa pelikulang Trudis Liit (1963).

Si Christopher ay inlunsad naman sa pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), sa direksiyon ni Lino Brocka.

Nasa cast din ng When I Met You In Tokyo si Cassy Legaspi, daughter nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Kagaya ni Gabby, hindi kasama si Cassy sa mga artistang nagsyuting sa Japan.

Matatandaang gumanap si Carmina bilang anak nina Vilma at Richard Gomez sa pelikulang Kapag Langit Ang Humatol (1990) na idinirek ni Laurice Guillen.

Tama ang punto ni Gabby, any chance to work with acting greats like Ate Vi and Papa Bo, you take it as a learning experience, you grab every or any opportunity to do it.

Sana nga ay masundan talaga ni Gabby ang yapak ng amang si Mark Gil na nakasama ang karamihan ng magagaling na aktor na tulad niya rin.