Gladys Reyes on plan of husband Christopher Roxas to leave acting career five years from now: “Gusto niya hard-earned money talaga na…gusto pa niya yata magluto, kesa sa mag-taping.”
GORGY RULA
Bahagyang nagulat si Gladys Reyes nang nalaman niya ang sinabi ng asawang si Christopher Roxas na binibigyan niya ang sarili ng limang taon bago tuluyang iwanan ang pag-aartista.
Mas gusto raw ni Christopher na mag-focus na sa mga negosyong sinimulan nilang mag-asawa.
Pakli ni Christopher nang sandali naming nakapanayam sa red-carpet premiere ng pelikula nilang Haligi, “I’m semi-retired na sa showbiz,”
Sabi ni Gladys nang nakatsikahan namin sa DRZH nung Miyerkules, November 1, 2023, ang dami na raw project na inaalok ang Viva Films kay Christopher, pero madalas ay tinatanggihan niya.
“Kasi alam niyo naman si Christopher, di ba? Hindi talaga showbiz iyan. Mapili talaga iyan sa pagtanggap ng projects, even before.
“Gusto niya talaga yung markado siyempre, yung hindi masasayang talaga yung oras niya. Hindi talaga yung meron lang TF ganyan.
“Hindi, e. Gusto niya hard-earned money talaga na… gusto pa niya yata magluto, kesa sa mag-taping.
“Sa totoo lang, hindi pa niya na-discuss sa akin na talagang definite na parang in detail na five years.
“Wala kaming ganung usapan pa. Pero siguro nga, ang tingin ko sa kanya talaga, parang sabi nga niya, semi-retired na siya,” saad ni Gladys na nasa Boracay pa nung nakapanayam namin kasama ang buong pamilya.
Pero sigurado si Christopher sa sinasabi niya dahil gumaganda na ang negosyo nilang mag-asawa na catering, may commissary na sila, iyung Grateful Galle,y at ang bagong bukas nilang restaurant sa San Pedro, Laguna na That’s Diner.
“May timeline ako sa sarili ko, in five years time, yung sa negosyo namin, e, maging maayos na lalo, para na rin siyempre sa stability ng negosyo.
“Yun nga, sa earnings din, marami pa akong pangarap sa sarili ko. Yeah! I’m giving myself five years. Hopefully, on track okay naman kami,” sabi pa ni Christopher.
Ayon kay Christopher, maganda ang partnership nila ni Gladys sa kanilang negosyo. Siya raw ang nasa kusina, ang nagpapatakbo ng lahat, at si Gladys naman daw ang sa marketing, ang nagpi-PR at humaharap sa mga possible clients.
May ilang hotels na sila raw ang in charge sa kusina, at nagki-catering sila sa ilang kumpanya, pati sa Congress na kung saan sila raw ang nagpu-provide ng pagkain sa mga committee hearings at sessions.
“Yung catering, yung restaurant, That’s Diner, lahat iyan si Christopher ang may idea nyan ano.
“Kasi ako naman, pagdating sa pagluluto, marunong ako magluto, pero hindi ako ganun ka-passionate pagdating sa pagluluto.
“Si Christopher kasi may background, e. Ang mga magulang niya restaurateur before, no? Dati may restaurant sila, ang father niya French, si Mommy, Bicolana, ako naman Kapampangan.
“Alam mo yung pag-mix namin, siyempre iba yung passion namin pagdating sa pagkain. Lalo na yung tatay ko rin. Si Christopher ang utak niyan.
“Ako yung role ko, ako yung nasa market, ako yung tagabenta sa tao, ako yung taga-PR. Ako yung sa marketing.
“Si Christopher, involved din sa operations. Although, may mga trusted partners, and, of course, yung sister-in-law ko, number one supporter namin iyan and kasama na rin namin sa negosyo yung Sommereux and even sa That’s Diner.
“Tapos yung commissary, it was all Christopher’s idea also para hindi tayo mahirapan yung resto, even the catering.
“Dapat may sarili kaming commissary, iyan yung Grateful Galley. Alam iyan ng mga seafarers, e, kasi ang term nila sa kitchen is galley.
“Tapos ang isa pang naisip namin is to help the OFWs na gustong magnegosyo ng kainan, ng food business. Ito nga yung That’s Diner, kaya open kami for franchise,” saad ni Gladys.
JERRY OLEA
Pagdating sa kanilang showbiz career, hindi naman daw talaga sila nakikialam sa isa’t isa. Ang Viva ang nagma-manage ng showbiz career ni Christopher at marami silang inaalok na projects sa aktor, pero tinatanggihan daw nito ang karamihan.
Mas gusto raw kasi ni Christopher ang role kung talagang mabigat at gusto talaga nitong gawin. Pero aware ang aktor na ayaw ni Gladys na lumabas siya sa Vivamax.
Natawa si Gladys diyan, at aminado siyang ayaw niyang mapanood ang asawa nsa pelikulang pam-Vivamax.
May kuwento ang aktres tungkol sa gagawin dapat ni Christopher sa Vivamax.
“Natatawa ako diyan, kasi meron sana siyang tatanggapin na Vivamax. Hindi naman ano… hindi maiksi yung gagawin niya.
“Tinanggap niya kasi acting piece, talagang may acting yung role niya, ganyan, dun sa character na gagampanan niya.
“In-explain niya sa akin. Pero siyempre ako, hindi ako ganun ka-solve. Yung para sa akin, huwag mo na lang kaya gawin iyan,” simulang kuwento ni Gladys.
Alam daw ni Christopher na ayaw niya dahil sa Vivamax, wala raw siyang nagawa at hindi niya kayang pigilan.
“Parang gusto niyang panindigan, kasi nung nabasa raw niya yung script, acting piece, may acting ito, puwede.
“Ako naman, wala naman akong magagawa. Kung gusto niya talagang gawin, gawin niya. It’s his career.
“Pagdating sa career, eto talaga honestly, hindi kami nakikialam sa isa’t isa. Never siya nagsabi sa akin na, ‘Huwag mong tanggapin iyan,’ o tanggapin mo iyan.
“Hindi, e. Parang may kanya-kanya kaming desisyon na ganyan. Kumbaga, we trust each other pagdating dun.