Anne Curtis r.ibs Kim Chiu about ex-boyfriend Gerald Anderson

Kim Chiu teased about Gerald Anderson
Kim Chiu joins banter as It’s Showtime co-host Anne Curtis alluded to Gerald Anderson during “Tawag Ng Tanghalan” segment.

Hindi nakaligtas si Kim Chiu sa pang-aasar ng It’s Showtime hosts na naalala ang relasyon nila noon ni Gerald Anderson.

Sa “Tawag Ng Tanghalan” segment ng Kapamilya noontime show, isang contestant ang ipinakilala bilang Gerald Ponce.

Pagkatapos kumanta ni Gerald ng kantang “Himala,” sumalang sa stage sina Kim, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Vice Ganda.

Mabilis na naisip ni Anne na tuksuhin si Kim.

Hirit ni Anne na kunwa’y ipinakilala si Gerald kay Kim, “Kausapin natin si Gerald. Gerald, Kim. Kim, Gerald.”

Sabay napatili at napahalakhak si Anne na bumaling kay Kim.

Hindi man tuwirang nabanggit si Gerald Anderson sa usapan, halatang ito ang naalala ni Anne.

Na-gets naman agad ni Kim, at natawa na lang din ito.

Sabi ni Kim sa contestant, “Uy! Kumusta ka na?! Grabe Gerald nagbago ka na!”

Hirit ni Vhong, “Tanong mo ba’t niya kinanta yung ‘Himala?'”

Tanong ni Kim, “Bakit mo kinanta yung ‘Himala’ Gerald?”

Showtime hosts teasing Kim Chiu about Gerald Anderson
Showtime hosts Kim, Anne, Vice Ganda, and Vhong Navarro with contestant Gerald Ponce (middle)

Sabay napahalakhak uli si Kim nang banggitin niya ang pangalang Gerald.

Naputol lang ang tuksuhan ng hosts nang sabihin ng contestant na inaalay niya ang kanta para sa ama nitong na-stroke.

Hindi ito ang unang pagkakataong inasar muli ng hosts si Kim sa dating nobyo.

Noong June 24, 2023, inasar din ng hosts si Kim sa contestant ng “Isip Bata” na ang pangalan ay Gerald.

Malinaw na katuwaan lang ang tuksuhan dahil nag-disclaimer si Vice, “Hoy, friends sila!” na ang tinutukoy ay sina Kim at Gerald.

Tinukoy pa ni Vice ang isang party kunsaan imbitado sina Kim, Vice, Gerald, at girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto.

Ani Vice, “Di ba naka-hang natin sila sa party?

Sang-ayon ni Kim, “Yes! Naka-hang natin sila ni Julia! Hahaha!”

KIM CHIU AND GERALD ANDERSON DATING HISTORY

Sina Kim at Gerald ay apat na taong naging magkasintahan bago sila naghiwalay noong 2010.

Taong 2017 nang magkatrabaho uli sila para sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Noong panahong ito inamin ng dalawa na walang closure ang relasyon nila noon.

Naibahagi rin nila ang kanilang mga pagkakamali pagdating sa pag-handle ng relasyon noon.