Alden Richards thanks honest driver for returning lo.st phone

Malaki ang pasasalamat ni Alden Richards sa isang service driver na nagsauli ng nawalang cell phone ng kanyang pinsan.

Sa kanyang verified Facebook account kagabi, November 7, 2023, ibinahagi ni Alden ang isang magandang kuwento tungkol sa naibalik na cell phone.

Hindi raw talaga mahilig mag-post si Alden, pero deserve daw ng honest driver na malaman ng publiko ang kapuri-puri nitong ginawa..

Lahad ni Alden, “Disclaimer: Again… I don’t usually do this but this person deserves to be seen.

“This morning, pagdating ko sa gym nalaman ko na nawawala yung phone ng pinsan ko thru Kuya Den (caretaker ng gym where I work out).

“Since my cousin and I don’t have any means of communication, agad agad ginawa ko lahat ng way para matrace ko yung cellphone niya.”

Bigla na lamang daw nag-ring ang kanyang telepono mula sa isang numerong hindi rehistrado sa kanyang phonebook.

Sinagot daw niya ito pero hindi siya nagpakilala.

Gumawa rin daw ng paraan ang service na puntahan siya mula sa Bulacan.

Dagdag pa ng Kapuso actor, “To cut the story short, I had a call from an unknown number, not knowing kung sino yun, sinagot ko.

“Nagulat ako na siya pala yung service driver na nasakyan ng pinsan ko going to the gym.

“Hindi ako nagpakilala kung sino ako, pero nag-effort siya nung sinabi ko kung pwede ko bang makuha yung phone.

“Without thinking twice, from Bulacan bumiyahe siya papuntang Podium, dahil meron akong screenings for 5 breakups and a romance.”

Mensahe pa ni Alden sa honest driver: “Kaya sa ‘yo Kuya Alexis Verdejolo Ohno, Mabuhay ka! Sana marami pang tao ang tumulad sayo. Maraming maraming salamat [smiling face emoji]”

Có thể là hình ảnh về 2 người và văn bản