Ashley Ortega “no communication” with ex-boyfriend Mayor Mark Alcala after breakup

Kapansin-pansin ang new look ngayon ng Kapuso actress na si Ashley Ortega.

Nagpagupit siya ng buhok na senyales daw ng pagiging brokenhearted niya from her past relationship with Lucena Mayor Mark Alcala.

ashley ortega

Natatawang sabi ng aktres sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), “Oo nga, new look nga. Nakapagpa-haircut.

“Kasi doon nga sa Hearts On Ice, ang tagal kong long hair, e. Tapos yun nga, nakapagpahinga. Nakapagbakasyon.

“Pag nagpa-cut hair, heartbroken na? Hindi totoo yan! Matagal na rin yun.”

Ibig sabihin, wala na talaga silang communication ni Mayor Alcala o never na silang nagkita after ng kanilang paghihiwalay?

Pagkumpirma ni Ashley, “Ah, hindi na. I haven’t seen him like more than a year na.

“As in no communication. Hindi ako updated.”

Inalam ng PEP.ph kung isa ba yung bad breakup dahil tila hindi na siya interested sa mga ganap sa buhay ng ex-boyfriend.

Ani Ashey, “Hindi naman. It was naman a mutual decision.

“So, after that, wala nang communication. May kanya-kanyang buhay na kami.

“Kung magkikita man kami, kasi hindi naman maiiwasang magkikita kami, ‘Hi and hello.’ Civil naman kami.

“One-and-a-half din kami, so…”

Ngayon ay nakatutok daw muna si Ashley sa kanyang showbiz career, at wala pang planong magkaroon ng boyfriend.

Kim Chiu, Xian Lim reunite in local adaptation of Korean film 'Always' - Manila Standard

Sabi niya, “Single ako ngayon, so focus ako sa sarili ko and I will have a new show. Punumpuno na naman ng work before the year ends, so doon muna ako.

“Kami namang artists, alaga naman kami ng mga boss namin, kaya kami sa Sparkle right now, we’re doing good.

“Hindi nila ako pinapabayaan. They would always look after me — yung imaging, yung planning.

“So, talagang grateful ako sa kanila for making my career so nice this 2023. And sana sa 2024, magtuluy-tuloy.”

STILL CLOSE TO XIAN LIM

Samantala, hindi itinanggi ni Ashley na close pa rin sila ni Xian Lim kahit halos limang buwan nang natapos ang teleseryeng Hearts On Ice sa GMA-7.

Sa kabila ng pinagdaanan nilang intriga noon, na inili-link sila sa it’sa isa, wala naman daw nabago sa kanilang pagiging magkaibigan.

Pahayag ng 24-year-old GMA Sparkle artist, “Yes, yes, super.

“Actually, lahat kami sa Hearts On Ice, family kami doon. Until now, yung mga naging ka-close ko doon, nag-uusap pa din kami.

“Si Xian, from time to time, nakikita ko yung mga ginagawa niya sa social media. Alam ko, parang nasa vacation mode lang siya.

“Actually yung mga intriga naman noon, it was a long time ago. Hindi naman kami nagpaapekto.

Marking Mayor Alcala's First 100 Days – Lucena City

“We kept our environment healthy, at yun naman po ang importante. At wala naman talaga kaming ginawang masama.

“Siguro may fans lang, mga solid fans nila ni Kim, but I respect them.

Ang “Kim” na tinutukoy ni Ashley ay ang girlfriend ni Xian na si Kim Chiu.

Patuloy ng Kapuso actress, “Si Xian, sobrang bait. Hindi nga namin pinag-usapan ang issues na yun kasi hindi naman totoo.

“It was just a waste of time to talk about it laya dinedma na lang namin. Natatawa na lang kami.

“Noong nagti-training kami noon, nasabi ko na, ‘Grabe pala ang fans niyo,’ pero tawa na lang siya. Tawa na rin ako. And we didn’t talk about it [further].”

Kaya kahit nang magkita raw sila ni Kim, wala naman siyang naramdamang any feeling of guilt.

Saad ni Ashley, “I met her. Kasi during Hearts On Ice days, nagkaroon sila ng movie ni Kim, and Xian invited me sa premiere night. That’s where I met Kim.”

Wala raw silang awkward moment ni Kim.

Sabi pa niya tungkol sa Kapamilya actress, “Mabait, mabait. At saka solid talaga sila.”

ON HANDLING BASHERS

Natural lang daw siguro na maintriga siya dahil isang malaking artista si Xian.

Ani Ashley, “Actually noong una, nagulat din ako, kasi siyempre, ma-partner ka ba naman kay Xian Lim, one of the biggest stars, na naka-love team ko naman kasi.

“So, nabigla rin ako, but not in a way na naapektuhan ako nang sobra.

“Doon ko na-realize na kapag ang ka-love team mo malaking artista talaga, so deadma na lang.

“Ganoon naman talaga. Sa showbiz, may bashers talaga. May mga negative na masasabi ang mga tao.

“And the best way to deal with it is just to avoid it, and huwag ngang magpaapekto , kasi alam ko naman sa sarili ko ang totoo.

“At, okey naman ang relationship namin ni Xian [as co-workers]. Hindi kami nagkailangan, kasi close nga kami lahat.

“At sana nga, maka-work ko ulit si Xian.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Ashley sa contract signing at media conference ng Nail Lounge by Asia’s Lashes, na pag-aari ni Ms. Leah Urbani, sa Luxent Hotel, Quezon City, kahapon, November 7, 2023.

Si Ashley ay dumalo upang suportahan ang kaibigang si Sugar Mercado na isa sa brand ambassadors at incorporators ng Nail Lounge.