Jenny Miller tra.um.ati.zed after miscarriage; not blessed with a child

Did Jenny Miller regret that she’s not blessed with a child?

Jenny Miller : r/CelebsPH

Katulad ni Alex Gonzaga ay napagdaanan din ni Jenny Miller ang sakit na mawalan ng anak habang ito ay nasa kanyang sinapupunan.

Taong 2010, at nasa ika-seven weeks of pregnancy si Jenny nang makunan ang dapat sana ay panganay nilang anak ng kanyang ex-husband na si Cupid Feril.

Nagdulot daw ito ng malaking trauma sa kanyang buhay, at sa buhay may-asawa.

Kuwento ng 43-year-old actress, “Yeah, nagkaroon ng trauma in a sense na natatakot ka na.

“Alam mo yun, yung hirap palang mag-carry ng baby. Kasi ako, ilang weeks pa lang,di ba? Yung pag-iingat and all.

“Mag-iiba na talaga na talaga ang buhay mo. Sabi ko, hindi ako sanay, kasi napaka-active kong tao.

“Yung work ko sa showbiz, dire-diretso that time, tapos magkakaganun pala. You need to choose kung ano ang priority mo sa buhay.

“Ayun, nagkaroon ng trauma na kung mabubuntis [uli] ako, kaya ko na bang talikuran yung mga ginagawa ko. And, baka mangyari ulit ito, ang hirap.

“Kasi, bago kami ulit makabangon, matanggap yung insidenteng yun, matagal. Matagal na panahon.

“Siguro kaya di na rin kami na-bless noon [ng baby], kasi natakot na rin kami. Na parang, rest na lang muna, kasi…”

Pero bago pa man siya nakunan ay nabanggit na raw sa kanila ng kanyang OB-gynecologist na delikado ang kanyang pagbubuntis.

Ayon kay Jenny, “Hindi naman niya sinabi na mababa ang matris or what, pero sinabi niya na delikado.

“Pero kung makakabuo at gugustuhin mo, why not? I mean, nasa inyo na yan.”

Minsan daw ay sumasagi sa isip ni Jenny na kung nabuhay ang kanyang anak ay malaki na raw ito, at nasa teenage years na.

Saad niya, “Yes, kasi 2010 yun, so thirteen years old na sana.

“Sana, di ba, may kasama-sama na sana ako kung saan ako pumupunta ngayon. Hindi katulad ngayon, mag-isa lang ako.

“Pero wala, e, hindi blinessed.”

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Jenny sa contract signing at media conference ng Nail Lounge by Asia’s, na pinangunahan ng CEO at President na si Ms. Leah Urbani, na ginanap sa Luxent Hotel, noong November 7.

Si Jenny ay isa sa celebrity ambassadors at incorporators ng nasabing negosyo, kasama sina Sugar Mercado at Dianne Medina.

BREAKING THE NEWS

Jenny Miller solong ginagastusan ang annulment - YouTube

Hindi nga raw alam ni Jenny kung paano niya ibabalita sa mga kaibigan at pamilya ang niya pagkawala ng kanyang baby.

Lahad niya, “November nga kasi yung honeymoon namin, and looking forward kami sa isang masayang Pasko that year, kasi nga looking forward kami.

“So, nung nawala, devastated, kasi lahat ay ibinigay mo — yung pag-aalaga and all.

“Magastos ha, yung hospitalization and all. Sabi namin, nagastusan ka na, nawalan ka pa.

“So, yun, mahirap tanggapin lalo na kung gustung-gustong magka-baby.

“Masakit for him [her ex-husband], kasi nga, nasabi na namin sa family and friends, na kaya di ako lumalabas, wala akong events na pinupuntahan, bedridden [ako] and all.

“And yun, bigla na lang sinabi namin na nawala.”

Nag-try ba uli silang bumuo ng isa pa?

Pagkumpirma ni Jenny, “We tried! Nagpa-workup ako.

“But then kasi, siya kasi, meron na siyang kids from his ano niya. So, sabi niya, ‘No, hindi ako ang may problema.’

“Hindi ma-accept yun, ‘Baka ikaw.’ So, workup ako.

“Pero, sabi ng OB ko, ‘Okey ka, normal ka. Nagka-miscarriage nga.’

“Okey naman, dapat kayo pareho, kung gusto niyo talaga.

“Pero ang lalaki, minsan may denial pagdating sa ganyan, hindi nila ma-accept…

“So, ayun, hindi na kami nakabuo, and then nagkaroon na ng mga problema.”

Hanggang sa tuluyan na raw silang nagkahiwalay ng kanyang ex-husband.