Gabby Concepcion, inaming hindi sila friends ng ex-wife na si Sharon Cuneta

gabby concepcion sharon cuneta dear heart
Gabby Concepcion on ex-wife Sharon Cuneta: “Okay lang kami. Friends na kami… Well, hindi kami friends, pero… hindi kami friends, e. Pag friends, baka may mangyari pa, di ba? Pero ibig sabihin, okay na kami.”

GORGY RULA

Okay lang kay Gabby Concepcion na magkita sila muli ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta sa Gabay Guro event, ang “Pagpupugay at Pasasalamat Kay Ma’am at Sir,” na gaganapin sa Dolphy Theater sa Sabado, October 14, 2023.

Bahagi ng promo ng Dear Heart concert nina Gabby at Sharon na hindi sila dapat magkita kundi sa mismong araw na ng concert sa October 27 sa SM MoA Arena.

Pero pareho silang kasali sa event ng Gabay Guro kaya posibleng magkita sila ulit.

“Hindi ko kasi pinaplano e. Go with the flow lang ako.

“Kung ano yung sinabi ng production. Kung ano ang plano ng committee na gumagawa nun, okay lang,” sabi ni Gabby sa mediacon ng Gabay Guro noong Miyerkules, October 10.

Hindi na rin daw iniisip ni Gabby kung may intriga pa ba sila ni Sharon. Mas okay raw na magkaayos na ang lahat, alang-alang sa fans nilang excited nang mapanood ang kanilang concert.

“Dumating na kasi ako sa punto na kahit na anong intriga, e, di saluhin mo na lang, because nung pumasok ako ng showbiz, mas lamang yung intriga ako, e, sa diyaryo.

“Bahala kung anong meron, e, di go lang,” saad ni Gabby.

Sabi pa ni Gabby, okay lang kung magkita sila uli ni Sharon dahil mapu-promote pa nila ang kanilang Dear Heart concert.

sharon gabby dear heart

“Nagulat nga ako nung presscon natin, nandudun siya. Kasi hindi ko naman akalain na nandudun siya,” sabi ni Gabby.

“Tutal na napag-usapan na rin lang, it would be a nice concert.

“Okay lang ako. Anytime na nandiyan siya… okay lang kami. Friends na kami…

“Well, hindi kami friends, pero… hindi kami friends, e. Pag friends, baka may mangyari pa, di ba?

“Pero ibig sabihin, okay na kami.”

Hindi naman daw masabi ng chairperson ng Gabay Guro na si Ms. Chaye Cabal-Revilla kung magkikita ba uli sina Sharon at Gabby sa naturang event.

albert gabby chaye cabal gabay guro

“Actually, pag nag-e-event talaga tayo, hindi alam kung sinong magkakasama. Parang naggaganun-ganun lang sila.

“Like, when we were doing the events live in MoA Arena, the artists will perform as they come.

“So, kaya minsan ang tagal-tagal ng show, mga six hours, seven hours, kasi marami talagang nagbibigay-pugay sa ating mga teachers,” pakli ni Ms. Chaye.

NOEL FERRER

Thankful si Ms. Chaye sa mga artistang nag-volunteer na mag-perform sa Gabay Guro.

Taun-taon na raw nila itong ginagawa na walang talent fee. Commitment na raw nila ito para sa ating mga guro.

Bukod kina Sharon at Gabby, kabahagi rin sa event na ito sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jona, Klarisse, Bituin Escalante, at iba pang stars ng ABS-CBN.

Hybrid ang naturang event para makasali ang mga guro sa iba’t ibang probinsiya. Sa mga guro na gustong sumali, mag-register lang sa Gabay Guro app.

Magandang advocacy itong ginagawa ng Gabay Guro! Maraming salamat!!!

JERRY OLEA

Sandali lang na nagkasama sina Gabby at Sharon sa Dear Heart mediacon noong Setyembre 15 sa Okada Manila.

Noong araw na iyon din sa Okada ay nag-shoot si Sharon ng pagkanta niya ng “Pangako Sa ‘Yo.”

Bale iyon ang production number nila ni Jillian Ward para sa Idol Ko Si Bong TV special, na kinunan sa 57th birthday celebration ni Senator Bong Revilla noong Setyembre 25 dun din sa Okada.

Present si Gabby sa nasabing birthday party ni Senator Bong.

Bahagi ng promo strategy ng Dear Heart concert na sa Oktubre 27 na mismo magkikita muli sina Gabby at Sharon.

Kasunod ay sa VIP Night ng Dear Heart sa Oktubre 30 sa grand ballroom ng Okada Manila, and then sa Nobyembre 17 sa NuStar hotel ng Cebu.

dearh heart poster

Nawa’y siguraduhin ng produksiyon ng Gabay Guro na huwag silang magtagpo roon. Huwag i-preempt ang “spectacular reunion”!!! Please lang!!!

Bising-busy naman si Gabby, e. Frontliner siya sa Oh My G! (enesis) show noong Setyembre 30 sa Newport Performing Arts Theater.

Sa Nobyembre 13 ay magpi-premiere na ang Kapuso afternoon series nila nina Carla Abellana at Beauty Gonzalez na Stolen Life.

Nagti-taping si Gabby para sa Kapuso primetime series nila ni Marian Rivera na Against All Odds.