Rob Gomez “working out some kinks” with the mother of his daughter

Wala raw love life ngayon ang Regal Entertainment contract star na si Rob Gomez.

“I do not have one. Sadly. Father life, I wanna focus on that. Father life, fatherhood,” seryosong sabi ni Rob sa mediacon ng Shake, Rattle & Roll Extreme nitong Nobyembre 14, 2023, Martes, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Noong Agosto 3, nag-guest si Rob sa Fast Talk With Boy Abunda at sinabi niyang single pa siya pero happy ang kanyang love life.

Melai Cantiveros says Jason Francisco clueless about her TF | PEP.ph

Kinabukasan ay inamin ni Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera sa Facebook na meron na silang eight-month old daughter named Amelia.

Nakipaghiwalay si Shaila kay Rob.

Sa ngayon, ayon sa aktor, ay mas nag-uusap na raw sila.

Pagpapatuloy ni Rob, “We’re still working out some kinks. My daughter’s birthday is coming up. December 5th.

“So I’m so excited for that. I hope everything comes together, I hope.”

Ano ang natutunan niya sa pinagdaanang isyu kaugnay sa kanyang mag-ina?

Napabuntong-hininga si Rob, “I learned that… when you try to balance something, you really can’t. So, pag may alat na isa, may masa-sad na isa.

“And I’m just so sorry na nadamay yung anak ko dun sa problem ko with my girlfriend and ex-fiancée.

“So, sana hindi nangyari. I wish na I just said it in Boy Abunda. Kasi, that was my plan, e. That was my plan, na dun ko na sasabihin.

“But then, as I got there, I asked everyone. And I let everyone else affect my decision na huwag na lang, kasi may show.

“Not the time blah-blah, blah-blah.”

Hindi naman nakaapekto sa Magandang Dilag ang pagkabunyag na meron na siyang anak. Matataas pa rin ang ratings ng programa hanggang sa huli.

“Hindi nga ho! Hindi nga ho, e. That was my fault. It was my fault. Nakapagpalakas pa nga ho yata,” sambit ni Rob.

Melai Cantiveros Shares Tips For Business Owners

“Pero… yun nga. I was just so sad na inisip ko na it would… but my daughter was never the problem. She was never the problem.

“I was the problem, na inisip ko siya nang ganun. But alam ko naman ho na hindi talaga. And I’m with my daughter everywhere.

“I was with my daughter everywhere. It was never a secret. I go out in public, we go to hospitals, malls, vacations.

“Ilang vacation na rin sa Luzon ang napuntahan namin. Ilang beses nakikita and everything.

“People come up to me, ask for a photo. I’m holding my baby. I just give it to her mom.”

Dilemma iyon ng mga nagli-leading. Masyadong tinututukan ng fans.

“Yun nga ho pero…”

At least, ready na siya ngayon sa mga isyu kaugnay roon.

“I am unbreakable right now! I have nothing left to lose!” bulalas ni Rob.

“I have nothing else to lose, I can go through a wall and not fear. When I have my daughter, I’ll be stronger.”

MAGANDANG DILAG

Beautiful ang ratings ng teledramang Magandang Dilag kung saan si Rob ang leading man ni Herlene Budol aka Hipon Girl.

Nagtapos ang Magandang Dilag noong Nobyembre 10, 2023, Biyernes ng hapon.

May kasunod nang project sa GMA-7 si Rob, ang limited series na Lovers/Liars na eere umpisa Nobyembre 20 ng 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Melai Cantiveros: Normal Mag-away Sa Mag-asawa | Smart Parenting

Nasa cast din si Rob ng horror trilogy na Shake, Rattle & Roll Extreme na ipapalabas umpisa Nobyembre 29 sa mga sinehan.

Happy na ba siya sa career niya at personal life?

“Sa career ko po, yes,” bittersweet na pagngiti ni Rob.

“With my personal life, not so much right now. I’m still working on it. I have to be honest, I’m not so good with interviews talaga.

“I suck at interviews. Masasabi ko lang po talaga, I suck, I suck at interviews. Pero I guess honesty is the best policy, right? Para safe, para wala nang ano.”

Tapos na ba ang tambalan nila ni Herlene?

“Sana po, may Book 2! Sana! I pray for a Book 2!” bulalas ni Rob.

Klik kasi ang tandem nila ni Herlene. May kakaibang init at tension. Sayang kung hanggang doon lang ang partnership nila.

“Sana nga ho, sana ganun din ho ang pagtingin nila. Sana, ganun ang pagtangkilik din ng GMA,” pag-asam ni Rob.

“I’m sure there are people supporting our tandem. And the story didn’t come to a close. Nobody passed away.

“There’s actually some hang-ups na sinabi po talaga ng writers natin. So, hopefully, gawan nila ng Book 2.”

Ka-love triangle ni Rob sa Lovers/Liars sina Michelle Vito at Polo Ravales. Siya ang “pinagsaluhan” ng dalawa.

Ano ba ang role o karakter niya?

“Secret,” mabilis na sambit ni Rob.

“With the story that’s gonna come out, I think… nagulat din ako sa role ko.

“Pero sana, magampanan ko siya nang maayos na maayos. Kasi feeling ko, kayo rin ho, magugulat.

“Nagulat ho ako, e, na nilagay nila ako sa ganung role.”

Natawa si Rob nang uriratin kung gender fluid ba ang karakter niya roon. Sa totoong buhay, puwede ba iyon sa kanya? Na pagsabayin ang dalawang dyowa!

Umiling agad-agad si Rob, “Hindi ho! Ayoko po ng ganun. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ko rin po kakayanin na dalawa ang dyowa na sabay. Mahirap!”

OK sa kanya ang ganoong role, na may ka-partner siyang babae at lalaki?

Natigilan sandali si Rob, “I would say it’s OK. It’s a role, it’s a job. I am up for the challenge. Pero nagulat lang po ako, kasi wala siya dun sa linya ng plano ng manager ko.

“Tita Roselle [Monteverde] explained naman. And there were some guidance, I guess. And I’m just excited to shoot, and see what happens.”

Tampok din sa Lovers/Liars sina Claudine Barretto, Shaira Diaz, Yasser Marta, Kimson Tan, Sarah Edwards, Christian Vazquez, at Lianne Valentin.

Collab muli ito ng Regal Entertainment at Kapuso Network.

DARING ROLE

Mapangahas ang pag-uumpisa ni Rob sa pelikulang A Girl and A Guy na pinagbidahan nila ni Alexa Miro, sa direksiyon ni Erik Matti. Balik ngayon sa mapusok na papel si Rob sa Lovers/Liars.

Why Melai Cantiveros Thinks Jason Francisco Will Not Cheat

“Mature na po siya ulit pero mature on TV naman, so there’s a difference,” pagmamatwid ni Rob.

“Walang pumping scene, ganun.”

Keri niyang makipag-kissing scene sa guy?

Napaisip na naman nang sandali si Rob, “Puwede ba yun? Puwede ba sa TV? Hmmn… surprise na lang ho yun. Surprise.

“But the answer you want, maybe. Maybe, we’ll see.”

If ever na may offer na ganun sa pelikula?

“After this, hindi po. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Pag pelikula, tingin ko, limitless na ho yun, di ba?

“So, nakakatakot pa. Virgin pa ako, e. Joke! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagbibiro pa ni Rob.

Iyon ang limitasyon niya?

Pagkambiyo ni Rob, “I am up for the challenge all the time. I love my job. So we’ll see, we’ll see what we can do.”

Naligawan na ba siya ng bading?

“Siguro po may nag-a-ask pero hindi pa naligawan naman todo na with gifts and dates and what not,” pag-amin ni Rob.

“Informal messages, like that.”

Masasabi ba niyang straight talaga siya, hindi fluid or pansexual or bisexual or whatever?

“I think so, I think so. I think so, yeah, yeah. I can say I’m straight.”

Dream project ni Rob ang action-drama, iyong mala-Black Rider ni Ruru Madrid. Bale pangalawang primetime show ni Rob itong Lovers/Liars.

Nauna iyong Mano Po Legacy: The Family Fortune (2022). Ni-reprise niya ang role niya roon sa Mano Po Legacy: Her Big Boss (2022).