Claudine Barretto nagpatutsadang “bad influence” ang karelasyon ni Raymart Santiago

GORGY RULA

May pasabog na namang pahayag si Claudine Barretto nang nakapanayam namin sa grand mediacon ng bagong programa niya sa GMA-7 na Lovers/Liars, na magsisimula na sa GMA Telebabad sa November 20, 2023.

Claudine Barretto on estranged husband Raymart Santiago

Lovers at liars ang topic, at napadako ang usapan sa isyung annulment case nila ni Raymart Santiago.

“Ongoing yung annulment namin, pero delay nang delay yung deadline ni Raymart for support, and he’s trying to get custody.

“Sixteen years old na si Santino, 19 na si Sabina. And hindi ko alam kung bakit gusto niya ng custody,” sabi ni Claudine nang kinumusta namin ang kaso.

Wala raw silang komunikasyon ni Raymart at sa hearing lang daw sila nagkikita.

“Sa mediation lang kami nagkita, pero hindi naman kami nakakapag-usap na nagkikita.”

Dagdag niya, “Dati oo, meron. Pero siguro sa bagong relationship din, hindi possible.”

Naintriga kami sa sinabi niyang “bagong relationship” at kung ano ang koneksiyon nito sa pag-uusap nila ni Raymart.

“Kasi, hindi magandang influence sa kanya, compared sa isa dati,” sabi lang ni Claudine.

Hindi na niya sinagot ang kasunod naming tanong.

Pinutol ang aming panayam kay Claudine dahil kailangan na siyang ma-interview ng 24 Oras.

Pero pagbalik niya, kinulit namin kung sino ang tinutukoy niyang bagong karelasyon ni Raymart.

Si Jodi Sta. Maria ba itong tinutukoy niya?

“Wala akong sinasabi,” iwas ni Claudine.

Claudine Barretto says Raymart Santiago 'started being not a good father again' | Inquirer Entertainment

Ayaw na lang daw niyang dagdagan pa ang mga sinabi niya para hindi na raw maging nega sa promo ng Lovers/Liars.

“Actually po, as much as ano, yun lang talaga ang masi-share ko ngayon kasi nasa process kami ng… nasa court naman kami.

“Nasa court kami, for custody na naman, kahit malaki na yung mga anak ko, 19 and 16. Parang ganun.

“Ayaw ibigay yung bahay sa akin na pinaghirapan ko pa mula sa Mula sa Puso, yung mga ganung issues.

“Ayokong… parang ayokong mabahiran ng malas yung Lovers/Liars, lalo na siyempre ano, Regal Films, di ba? Chinese, di ba? Ayokong mabahiran ng malas yung Lovers/Liars.

“So I’d rather na huwag na lang pag-usapan. Lalabas at lalabas din yun soon. Very soon.

“Gaya ng sinabi ko, may mangyayari at mangyayari talaga. I think ano… sa part na yun, magbibigay naman po talaga ako ng sarili kong presscon for that.

“Hindi rin naman matagal. Malalaman niyo rin,” pahayag ni Claudine.

Claudine Barretto and Raymart Santiago defer annulment

JERRY OLEA

Hindi na rin in-elaborate ni Claudine ang sagot sa tanong sa kanya kung ano ang pinakamatinding lie na dumating sa buhay niya.

Sagot ni Claudine, “Yung manakawan ka ng pera na pinaghirapan mo. Yes, betrayal yun, di ba? Love and liar.”

Bida rin si Claudine sa pelikulang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin, kung saan tampok din sina Alice Dixson, Jorge “ER” Ejercito, Gary Estrada, Imelda Papin, Aileen Papin, Julian Roxas, Ruby Flores at Maffi Papin Carrion. Ang director ng pelikula ay si Gabby Ramos.

Ma-L ang career ngayon ni Claudine — Lovers, Liars, Loyalista!

NOEL FERRER

Kung tungkol kay Claudine Barretto, mas nanaisin kong suportahan ang kanyang pagiging aktres.

Kilala naman siya bilang mahusay na aktres, kaya magandang malaman na may bago siyang inihahain para sa kanyang mga tagasubaybay na Lovers/Liars.

Ganoon na lang. Good luck!