Did Kathryn Bernardo unfollow Andrea Brillantes on Instagram?

“Something fishy!”

Ito ang reaksiyon ng ilang mapagmasid na netizens matapos nilang madiskubre na hindi na pina-follow ni Kathryn Bernardo sa Instagram ang kapwa niya Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Did Kathryn Bernardo unfollow Andrea Brillantes on Instagram?

Ito’y sa gitna ng usap-usapang may problema umano sa relasyon ni Kathryn at ng boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Noong November 8, 2023, ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog ang umano’y hiwalayan ng celebrity couple.

Nadawit dito ang pangalan ni Andrea, na ayon kay Ogie ay nali-link kay Daniel at pasikreto pa umanong nagkikita ang dalawa.

Bagamat kalaunan ay binawi ito ni Ogie nang sabihin niyang hindi sa kanya unang nanggaling ang tsismis. Galing daw ito sa isang source na ayaw magpapangalan.

Nitong Biyernes, November 17, napansin ng netizens na wala na sa following list sa Instagram account ni Kathryn ang IG accounts ni Andrea.

Kabaliktaran ito kung bibisitahin ang Instagram account ni Andrea dahil nananatiling nasa following list niya si Kathryn.

Pagdating kay Daniel, mapapansin na pina-follow pa ng aktor si Andrea habang in-unfollow na siya ng young actress.

Tanong tuloy ng netizens, totoo kaya ang naunang ibinalita ni Ogie na may isyung namamagitan sa tatlo?

Tweet ng isang netizen (published as is), “anyare? Bat biglang nag unfollow na si Kath kay blythe amidst the controversy knowing na si Kath hindi basta basta na uunfollow yan?”

Saad ng isa, “Anyone saw @bernardkath used “Greedy” on her IG story! something fishy! mukhang legit KathNiel issue. #KathrynBernardo hope ur ok.”

Sabi pa ng isa, “Kathryn Bernardo unfollowed Andrea Brillantes. Kung totoo man ang chismis kay DJ at Blythe sayang naman ang 11 years ng Kathniel.”

Dagdag pa ng sa, “Legit na naka unfollow si Kath kay Andrea. Nong una ayoko tlga maniwala sa issue na to pero parang malapit na yata akong maniwala.”

Daniel AND kathryn spotted together

Noong November 14, huling makitang magkasama sina Kathryn at Daniel nang dumalo sila sa event ng isang luxury watch brand.

Mismong si Kathryn pa ang nag-repost sa kanyang Instagram Stories ng ilang litrato nila ni Daniel kasama ang ilang kaibigan.

Nag-viral din ang mga video na kuha sa after-party kung saan makikita sina Daniel at Kathryn na magkasamang sumasayaw sa dance floor.

DANIEL SHOWS SUPPORT TO KATHRYN

Noong November 10, pasimple namang pinabulaanan ni Daniel ang kumakalat na espekulasyon sa kanila ni Kathryn nang ibahagi niya sa kanyang Instagram Story ang video ng nobya sa Preview, kung saan ang aktres ang online cover ngayong buwan.

Sa video na in-upload ng Preview sa Instagram, makikita si Kathryn na inaayusan.

Makikita ring ni-like ito ni Daniel bago niya ilagay sa kanyang Instagram Story.

Dito ay nilagyan niya ng animated photo ng pusa, na katunog sa palayaw ni Kathryn na “Kath.”