Wacky Kiray defends Michelle Dee against Valentine Rosales: “Kumalma ka lagyan natin ng preno yung bunganga natin.”

Wacky Kiray defends Michelle Dee against Valentine Rosales

Hindi nakapagtimpi ang TV host-comedian na si Wacky Kiray na buweltahan ang controversial personality na si Valentine Rosales, na negatibo ang komento sa naging performance ni Michelle Dee sa preliminary competition ng Miss Universe 2023.

Kahapon, November 16, 2023, naganap ang preliminaries ng 72nd edition ng prestigious international beauty pageant sa National Gymnasium ng San Salvador, sa El Salvador.

Dito ay nagpasiklaban ang 86 kandidata mula sa iba’t ibang bansa, suot ang kani-kanilang swimsuit at evening gown.

Matapos ang preliminary competition, agad nag-post sa Facebook si Valentine para ihayag ang kanyang pagkadismaya sa naging performance ng pambato ng Pilipinas na si Michelle.

Sabi ni Valentine, walang dating, nakaka-boring, at walang “wow factor” sa kanya si Michelle.

Mababasa sa kanyang post (published as is), “Syempre kailangan natin mag bigay support sa Philippines this Miss Universe pero sa totoo lang.

“Walang ka dating dating si Michelle Dee. Ewan ko parang sa lahat ng naging representative ng muph bored na bored ako sa itchura niya napaka plain. Kahit anong i-ayos sakanya.

“Wala siyang WOW factor.”

Ayon pa kay Valentine, napakalayo ng performance ni Michelle kina Miss Universe 2025 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2018 Catriona Gray, at maging kina Miss Universe 2019 Top 20 Gazini Ganados, Miss Universe 2020 Top 21 Rabiya Mateo, at Miss Universe 2021 Top 5 Beatrice Luigi Gomez.

Aniya, “Napaka layo niya kay Pia, Cat, Gazini, Rabiya, Beatrice.

“Sobrang boring…. Ang maganda ngayong sa batch nila yung South Africa, Dominican Republic, Mexico and India.”

Dagdag ni Valentine sa comments section ng kanyang post, “Support ako sakanya! Syempre gusto ko siya manalo. Pero real talk lang ang plain and boring niya.

“Opinion ko to, kanya kanya tayo ng opinion.”

Hindi naman dito sang-ayon si Wacky nang punahin niya ang naging pahayag ni Valentine.

Ani Wacky sa kanyang Facebook post, wala siyang nakikitang rason para madismaya si Valentine sa naging performance ni Michelle.

Saad niya sa kanyang post (published as is), “teh valentine rosales.. pwede kumalma ka lagyan natin ng preno yung bunganga natin..

“unang una maganda ang ginawa ni #MMD pulido malinis ang lakas ng dating… d kaya na iingit kalang kasi d ka maka pag swimsuit. kasi lalabas itlog mo?”

Hamon pa ni Wacky kay Valentine, “eto opinion ko lang din ha… saka ka na mag comment kung naka sali ka na sa beauty contest. yung beauty talaga ha! opinion ko lang uli… peace [peace sign emoji].”