Liza Soberano clarifies photo of motorcycle ride with a foreign guy

Liza Soberano

Mabilis ang naging paglilinaw ni Liza Soberano tungkol sa ipinost niyang picture kasama ang isang foreign guy.

Kuha ang pictures sa bakasyon ni Liza sa Alban, Italy.

Sa series of photos sa isa sa kanyang recent IG post, makikita si Liza na nakaangkas sa isang motorsiklo. Isang foreign guy ang nagmamaneho, habang naka-back ride ang aktres.

Komento ng isang male netizen: “Who’s that guy??!!”

Maagap sa pagsagot si Liza.

Reply niya (published as is): “before people jump into conclusions. He’s from the rental company.

“I couldnt drive myself cause I had no license. But also ptsd from my accident last year.”

comment

Ang PTSD ay post-traumatic stress disorder.

Nagkaroon ng mga pasa at galos si Liza sa legs at sa tuhod dahil sa isang motorcycle accident sa Palawan noong 2022.

ON BREAKUP RUMORS WITH ENRIQUE GIL

Hindi masisisi na sobrang mapagmasid ang netizens pagdating sa love life ni Liza.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin natutuldukan ang isyung break na umano sila ni Enrique Gil.

Nagsimula ang bali-balitang hiwalay na ang dalawa noon pang nakaraang taon.

July 2023, sumagot si Enrique ng “We’re good, we’re good,” tungkol sa relasyon nila ni Liza.

Sa interview naman kay Liza nitong September 2023, sinabi nitong masaya siya para kay Enrique sa pagbabalik-showbiz niya.

Sinabi rin ni Liza na minsan ay nakakalabas pa rin silang magkasama ni Enrique.

Pero inamin ng aktres na hindi na ito ganoon kadalas dahil sa kanilang madalas na out-of-the-country trips.

Sa kabila ng pagpapahayag nila ng suporta para sa isa’t isa, walang direktang pag-amin kina Liz at Quen kung sila pa ba o break na.

Noong May 2023, sinabi ng entertainment columnist na si Ogie Diaz—former manager ni Liza—na break na ang dalawa.