Rhian Ramos airs frustration over Miss Universe owner Anne Jakrajutatip’s “move on” video with Michelle Dee

Rhian: “Buti marespeto yung kaibigan ko, eh sila?”

Hindi nakapagtimpi ang Kapuso actress na si Rhian Ramos na maglabas ng saloobin pagkatapos mag-viral sa social media ang video ni Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip kasama si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Nagsasalita si Anne ng Thai, na may halong English, kaya hindi lubusang maintindihan ang kanyang sinasabi, ngunit kapansin-pansin ang paulit-ulit niyang pagbanggit sa mga salitang “move on.”

Base sa translation ng netizens, sinabi raw ni Anne kay Michelle na gagawa siya ng kantang may temang “moving on” para makalimutan na ng mga Pilipino ang hindi pagpasok ng pambato ng Pilipinas sa Top 5 ng Miss Universe 2023.

Nilinaw rin daw ni Anne sa video na walang manipulasyon o pandarayang naganap sa resulta ng Miss Universe 2023.

Ginanap ang 72nd edition ng international beauty pageant sa El Salvador noong Linggo, November 19, 2023 (Philippine time), kunsaan si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios ang kinoronahang Miss Universe 2023.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, agad na ni-repost ni Rhian ang viral na video nina Michelle at Anne.

Ayon kay Rhian, hindi niya nagustuhan ang umano’y harapang pamamahiya ni Anne sa kaibigan niyang si Michelle.

Bakas din daw sa mukha ni Michelle sa video na hindi siya kumportable, ngunit patuloy pa rin daw si Anne sa pag-interbyu sa Pinay beauty queen.

Saad ni Rhian sa in-upload niyang video, “I don’t like how this looks.

“My stomach is turning. Buti marespeto yung kaibigan ko, eh sila?

“Ewan. Kayo na lang ang humusga. Tap niyo for the full uncomfortable video.”

Rhian Ramos

Bukod kay Rhian, hindi rin nagustuhan ni Miss Grand International Philippines Samantha Panlilio ang ginawa ni Anne kay Michelle.

Isang netizen ang nag-upload sa Instagram ng video ng interview ni Anne kay Michelle at dito nag-iwan ng komento si Samantha.

Mababasang comment niya (published as is), “Konting respeto naman.”

Michelle Dee

Isa pang video clip ni Michelle ang kumakalat ngayon sa social media kunsaan makikitang pinaalis siya sa stage matapos ang guesting niya sa Mexican television show na Venga La Alegri sa Mexico.

Kasama ni Michelle sa video ang iba pang Miss Universe 2023 candidates na sina Miss Lebanon, Germany, Colombia, Thailand, at USA, maging si Anne at ang isa pang lalaki.

Isang babaeng staff ang tinawag ni Anne sa harapan at binulungan ito. Maya-maya pa ay lumapit ang babae kay Michelle at mabilis niyang pinababa sa stage ang Kapuso actress.

NETIZENS REACT

Sa X (dating Twitter), maraming Pinoy fans ang nagpahayag ng pagkadismaya sa pagtrato umano ni Anne kay Michelle.

Tweet ng isang netizen, kalakip ang kuhang video nang pagpapaalis kay Michelle (published as is), “WHAT THE ACTUAL HELL??? WHERE IS THE RESPECT? First humiliating her with the “MOVE ON” comment and now this??? MMD UWI KA NA PLZ WE LOVE YOU!!!”

Saad ng isa, not the owner of @MissUniverse disrespecting Philippines infront of the representative of the Philippines. We don’t need pills to move on cos we will not!!! @annejknofficial stop using Michelle to your own shit!”

Sabi pa ng isa, “This is so unacceptable. It’s obvious that she doesn’t like the Philippines naman talaga but did she really have to do this to Michelle Dee? This f*cking Khun Anne should be ashamed of herself. Mga Pinoy pa talaga kinalaban mo ha.”