Former Kapuso actress Lexi Fernandez is now married

Maritoni Fernandez and daughter Lexi Fernandez wedding

Kasal na ang dating Kapuso actress na si Lexi Fernandez sa kanyang non-showbiz fiancé na si Charles Harry Cordingley.

Ginanap ang intimate wedding nila sa Church of St Cyr and St Julitta sa Newton St Cyres, United Kingdom, noong November 19, 2023 (PH time).

Si Lexi ay anak ng aktres na si Maritoni Fernandez.

Pili lamang ang mga dumalo sa wedding, batay sa pictures na ibinahagi ni Maritoni sa kanyang social media accounts.

Kasama ni Maritoni ang kanyang mister na si Mon Dayrit. Naroon din ang pamilya ng groom.

Mensahe ni Maritoni, “Today my only baby girl @itslexif married the love of her life @ohcharlesharry in a most intimate UK wedding here in Exeter.

“We are so blessed to have gained a son.”

Matipid naman sa caption ang wedding photos na ibinahagi ni Lexi sa kanyang Instagram.

“From this day forward,” caption niya kalakip ang wedding photos nilang mag-asawa.

Lexi Fernandez and husband wedding

Lexi Fernandez wedding

Pili lamang ang mga dumalo sa wedding, batay sa pictures na ibinahagi ni Maritoni sa kanyang social media accounts.

Kasama ni Maritoni ang kanyang mister na si Mon Dayrit. Naroon din ang pamilya ng groom.

Na-engage si Lexi kay Charles noong April 2023.

LEXI ON SETTING ASIDE SHOWBIZ

Nagdesisyong maghinay-hinay sa showbiz si Lexi pagkatapos ng Kapuso drama series na Kakambal ni Eliana noong 2013.

Nagkaroon pa rin siya ng ilang TV projects tulad ng GMA series na My Destiny (2014) at Because of You (2015).

Pagkatapos noon ay nagdesisyon siyang mag-focus sa kanyang pag-aaral.

April 20, 2016, nagbahagi si Lexi sa kanyang blog kung saan sinabi niyang dumaan siya sa anxiety at depression kaya nagdesisyon siyang iwan ang showbiz.

Taong 2019 ay napanood pa siya sa Kapamilya teleseryeng The General’s Daughter na pinagbidahan ni Angel Locsin.

Sa parehong taon ay tinapos niya ang kursong Bachelor of Science in Child Development and Education degree sa University of Asia and the Pacific, sa Pasig City.

Nagtapos naman siya ng masters degree sa Australia noong February 2020.