Robi Domingo denies unfollowing Daniel Padilla, Andrea Brillantes on Instagram

Robi Domingo denies unfollowing Daniel Padilla, Andrea Brillantes
Robi Domingo (left) on allegedly unfollowing Andrea Brillantes (center) and Daniel Padilla (right) on Instagram: “Whatever is circulating around involving me, it’s not true. Please check your facts first.”

Mariing pinabulaanan ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo ang kumakalat na espekulasyong in-unfollow niya sa Instagram sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.

Ito’y sa gitna ng haka-hakang hiwalay na umano ang magkasintahang sina Daniel at Kathryn Bernardo.

Dawit dito ang pangalan ni Andrea na iniuugnay sa pangalan ni Daniel.

Bagamat wala pang kumpirmasyon kung may katotohanan ba ang mga ito, nananatiling palaisipan sa mga netizen ang pag-unfollow sa isa’t isa nina Kathryn at Andrea sa Instagram.

Ito rin ang naging daan para bantayan ng netizens ang bawat galaw nina Kathryn, Daniel, at Andrea, maging ang malalapit nilang kaibigan.

Nitong Martes, November 21, 2023, kumalat sa social media na maging ang mga kaibigan daw ni Kathryn ay in-unfollow na rin sina Daniel at Andrea.

Kabilang sa mga pinagsususpetsahang nag-unfollow na sa dalawa ay sina Robi, Chie Filomeno, Miles Ocampo, Loisa Andalio, at Direk Cathy Garcia-Sampana.

Walang kasiguraduhan kung talagang pina-follow nga ng mga ito sina Daniel at Andrea bago pa madiskubre ng netizens na wala na sa following list nila ang dalawang Kapamilya stars.

Bago pa tuluyang lumaki ang isyu, pinili nang magsalita ni Robi.

Sa X (dating Twitter) nitong Miyerkules, November 22, nag-tweet si Robi para igiit na walang katotohanan ang mga haka-haka tungkol sa kanya na kumakalat ngayon online.

Mababasa sa tweet ni Robi (published as is), “Whatever is circulating around involving me, it’s not true.

“Please check your facts first [finger heart and grinning face with sweat emoji].”

Bago pa man magsalita si Robi ukol sa isyu ay nauna nang naglabas ng pahayag si Direk Cathy.

Sa Instagram post niya nitong Miyerkules, November 22, sinabi nitong hindi niya pina-follow ang aktor kaya wala talagang makikitang Daniel sa kanyang following list.

Kalakip nito ang pakiusap na huwag na siyang idamay sa isyu dahil wala siyang alam sa kontrobersiyang kinahaharap ngayon nina Daniel at Kathryn.

CHIE FILOMENO SLAMS NETIZEN FOR SPREADING FAKE NEWS

Samantala, bukod kina Robi at Direk Cathy ay binuweltahan din ni Chie ang isang netizen na diumano’y nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya.

Isang netizen kasi ang nag-post sa Facebook at Twitter ng larawan ni Chie kasama sina Andrea at Daniel.

Ayon dito, may nakakita raw kina Chie at Daniel na magkasamang dalawa sa Cebu.

Sabi ng netizen, “Isa ka pa Chie, akala mo walang nakakita sa inyo ni Daniel sa Cebu? hahahaha. Gusto niyo ba ng spiel?”

Mabilis naman itong binuwelatahan ni Chie nang replayan niya ang post nito sa Twitter.

Resbak ni Chie, “I know who you are, nakasama ka namin sa Cebu diba sa loob ng kotse na pinalabas ka ng marshall kasi hindi ka naman kasali sa prod team.

“Pasalamat ka mabait si Kath, you’ll spread fake news pa? Tapang mo naman.”