Ka.akit-akit na girl, dahilan ng br.eakup ng dalawang showbiz couples?

Blind item
Sino ang kaakit-akit na girl na tinuturong dahilan diumano ng breakup ng dalawang showbiz couples?

GORGY RULA:

Tama ba, mga ka-Troiks, na apat o limang couples ang mainit na pinag-uusapang sangkot sa hiwalayan?

Kaya tumpak ang sinasabi nilang ‘break-up season’ ngayon bago ang holiday season.

Karamihan sa mga sangkot sa isyung hiwalayan ay tikom ang bibig. Ang iba ay inaamin naman sa mga malalapit na kaibigan.

Kaya kung anu-anong espekulasyon ang naglalabasan. Ang iba ay sangkot sa isyung bugbugan, ang iba ay meron pa raw nakaambang demandahan.

Meron ding pera ang dahilan. Meron ding nagkasulutan ng dyowa ng may dyowa!

Pero ang isa sa ikinawindang namin ay itong si kaakit-akit na girl na itinuturong dahilan ng paghihiwalay ng dalawang pares na showbiz couples.

Kung anu-anong kuwentong naglalabasan tungkol sa pagkakasangkot ng kaakit-akit na girl na ito sa relasyon ng dalawang sikat na magkasintahan. Hanggang tsismis lang ang mga iyun dahil wala pang may umaamin.

Pero merong isa pang showbiz couple, magaling na aktor at magaling ding aktres na kumpirmadong break na, hindi nga lang sinasabi ang tunay na dahilan.

Reliable ang nagparating sa PEP Troika na ang isa rin sa dahilan ay itong si kaakit-akit na girl.

Nakatrabaho kasi ni kaakit-akit na girl si magaling na aktor, at maaring doon nagkamabutihan at hindi na natin alam kung ano talaga ang nangyari sa kanilang dalawa.

Nakarating ito kay aktres na girlfriend ni magaling na aktor na lalong nagpalala sa kanilang problema dahil pareho pa naman silang may mga pinagdaanan. Kaya umabot na nga sa hiwalayan.

Ang siste rito, BFF ni magaling na aktres si sikat na aktres na napabalita ngang hiwalay na kay sikat na aktor.

Ang common denominator sa magkaibigang ito, si kaakit-akit na girl na itinuturong sumira sa relasyon ng dalawang showbiz couples.

NOEL FERRER:

Ibang klase ang kamandag nitong kaakit-akit na girl na ito, ha?!

Kasi, sa dami ng mga boys na na-link sa kanya, parang tinuhog din niya itong magaling na aktor at ang BFF nitong magaling na singer din.

How to be kaakit-akit nga ba?

JERRY OLEA:

Toingks!!! Kabit-kabit din pala ang mga kaganapan, parang mga eksena sa kabitserye!

Sadyang maalindog, mapanukso, kahali-halina, kaakit-akit ang girl na itinuturong dahilan ng breakup playlust, este, playlist nina sikat na aktres at sikat na aktor.

Si kaakit-akit na girl din ang centrifugal and centripetal force behind the hiwalayan blues ng magaling na aktres at magaling na aktor.

Tumfact na tumfuck, natumbok ni kaakit-akit na girl ang pagiging marupok nina magaling na aktor at sikat na aktor.

E, malapit na magkaibigan sina magaling na aktres at sikat na aktres kaya ewan kung biro ito ng tadhana, o sadyang mainit at nakapag-iinit ang girl na kaakit-akit.

Ang sabi ni Justin de Leon na member ng defunct Viva Hotmen at Men of Provoq, sa tingin pa lang ay masarap na ang kaakit-akit na girl. Katakam-takam! Langhap na langhap, lasap na lasap ang linamnam.