Is Good-looking Actor the reason Pretty Actress br.oke up with boyfriend?

blind item about a good-looking actor being the cause of pretty actress' breakup
Mukhang irresistible si good-looking actor kahit pa sa isang “taken” actress. Siya ngayon kasi ang sinasabing rason kaya nakipag-break si Pretty Actress sa boyfriend.

Naku, mukhang si Good-looking Actor ang rason kaya nakipag-break sa Pretty Actress sa boyfriend.

Ang sabi-sabi, na-in love daw si Pretty Actress kay Good-looking Actor.

Ganun ba ka-irresistible itong si Good-looking Actor at napa-fall niya si Pretty Actress?

Sabi ng isang source na nasa circle ni Good-looking Actor, hindi raw siya magugulat kung totoo ang sabi-sabi.

Bukod kasi sa pagiging pogi, nakakakilig ang “subtle ways of flirting” ni Good-looking Actor.

At mukhang effective ang dry humor nito dahil kahit daw ang mga prim-and-proper ladies, napapahagikgik pag kasama si Good-looking Actor.

Pero baka naman may rason din kasi si Pretty Actress para makipag-break sa boyfriend?

Bukod kasi sa magkaiba ang mundong ginagalawan nila ngayon, pareho pa silang very busy.

Ang unang nasagap na unverified tsismis ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay si boyfriend ang may third party.

Pero giit ng isa pang source, dahil daw kay Good-looking Actor.

Kung totoo man ito, dapat bang kabahan ang mga boyfriend kapag katrabaho ng actress-girlfriends nila si Good-looking Actor?

Hindi kasi ito ang unang beses na na-in love sa kanya ang kapareha.

Hindi rin ito ang unang beses na natsismis na nakipag-break ang aktres sa boyfriend dahil sa kanya.

In the meantime, huwag munang magsasalita nang patapos.

Mabuti sigurong antayin si aktres na sabihing “the end” na talaga ang relationship niya dahil, ayon sa mga nakapaligid sa kanya, hindi naman basta-basta umaalis si Pretty Actress sa isang relasyon.

Baka lang nag-e-enjoy siya sa company ni Good-looking Actor?

O ready to move on na ba talaga?