Carmina Villarroel posts cryptic tweet amid Mavy Legaspi, Kyline Alcantara rumored brea.kup

Carmina Villaroel posts cryptic tweet amid MavLine rumored breakup

Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic tweet ng Kapuso actress-TV host na si Carmina Villarroel tungkol sa mga taong sumisira umano sa pangalan ng dalawa niyang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Ito’y kasunod ng bali-balitang hiwalay na si Mavy sa girlfriend nitong si Kyline Alcantara.

Noong November 25, 2023, nag-post sa X (dating Twitter) si Carmina ng mensahe sa kanyang kambal tungkol sa sumisira sa kanilang pangalan at reputasyon sa pamamagitan ng pagpapakalat ng iba’t ibang kuro-kuro.

Mababasa sa kanyang post (published as is): “Dear Mavy and Cassy, people can destroy your image, damage your personality, create rumors about you but they can never take away your good deeds.

“Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best.”

Nasundan pa ito noong November 26, kung saan nag-post naman si Carmina ng makahulugang mensahe: “Mom knows best.”

Hindi malinaw kung ano at sino ang pinapatungkulan dito ni Carmina, ngunit marami sa mga netizen ang iniugnay ito sa makahulugang tweet at post ni Kyline sa TikTok matapos ang espekulasyong hiwalay na sila ni Mavy.

“I knew it,” maiksing tweet ni Kyline noong November 24.

Saad naman niya sa TikTok, “Iba ka Tiktok. I knew it.”

Nagsimula ang isyu sa diumano’y hiwalayan nina Mavy at Kyline matapos kumalat sa TikTok ang video ni Mavy kasama ang kanyang Eat Bulaga! co-hosts na si Dasuri Choi, Michael Sager, at si Cassy.

Sa video, makikitang papasok sa isang restaurant ang apat.

Isa pang anggulo ng video ang lumutang kung saan makikita namang magkatabi sina Mavy at Dasuri, gayong nasa kabilang silya naman sina Cassy at Michael.

ZOREN POSTS SWEET MESSAGE TO MAVY-CASSY

Samantala, ipinost din ni Zoren Legaspi, ama nina Mavy at Cassy, sa Instagram ang video ng naging dinner ng kambal na anak kasama ang iba pa nilang co-hosts sa Eat Bulaga!.

Bukod kina Mavy, Cassy, Dasuri, at Michael, present din sa nasabing dinner sina Winwyn Marquez at Arra San Agustin.

Mababasa sa caption ni Zoren, “Keep Smiling guys @cassy @mavylegaspi its good to have GENUINE FRIENDS [red heart emojis] ingat kayo…say thank you kay Win for the Dinner. #real #friends #genuine.”

Agad naman itong nireplayan ni Carmina ng, “Maraming salamat sa mga tunay na nagmamahal sa mga anak namin. Mahal din namin kayo @cassy @mavylegaspi enjoy lang kayo! Love you guys! Family is [heart emoji].”