Heart Evangelista appreciates how Marian Rivera initiated their reconciliation

Heart Evangelista Marian Rivera
Heart Evangelista (left) on reconciliation with Marian Rivera (right): “Everything else, like, you know, people that I was friends with before, like for example Marian, you realize that it’s such trivial matters for it to be even be anything. Mas may ibang mas nakakasakit sa iyo na talagang kailangang tanggalin ni Lord.”

Kinumpirma ni Heart Evangelista na si Marian Rivera ang nag-reach out sa kanya para sila ay magkaayos.

Sinabi ito ni Heart sa eksklusibong panayam ni Aubrey Carampel na umere sa GMA-7 prime-time newscast na 24 Oras ngayong Miyerkules ng gabi, October 28, 2023.

Ayon kay Heart, sobra niyang na-appreciate ang gesture ni Marian na maging maayos ang lahat sa pagitan nila.

Sabi pa niya, “I really do give credit to Marian. She really spoke to a lot of our common friends that she’d like to see me, ganyan.”

Sana raw ay magkita na nga raw sila nang personal.

October 25 nang unang mapansin ng netizens na naka-follow na sina Marian at Heart sa isa’t isa.

Kalaunan, kinumpirma nina Marian at Heart na maayos na ang lahat sa pagitan nila.

HEART: “MAY IBANG MAS NAKAKASAKIT SA IYO…”

Tila nagpasaring naman si Heart sa mga taong nawala sa buhay niya kamakailan.

Sabi ni Heart: “Parang magpapasalamat ka na lang na things were done and things were removed for the better.

“So, I think, for me, that’s all I need.”

Wala siyang direktang pinangalanan.

Pero tila kaugnay ito ng recent vlog ni Heart, kunsaan nagbitiw siya ng maaanghang na salita laban sa mga taong malapit na nakatrabaho niya, pero ngayon ay nakaalitan na.

Sa interbyu niya sa 24 Oras, hindi na nagdetalye pa si Heart.

Ang tanging idiniin ni Heart, kung may nawala man sa buhay niya, mas binibigyan daw niya ng pansin ang mga positibong bagay na nangyayari sa kanya ngayon.

Patuloy niya: “Everything else, like, you know, people that I was friends with before, like for example Marian, you realize that it’s such trivial matters for it to be even be anything.

“Mas may ibang mas nakakasakit sa iyo na talagang kailangang tanggalin ni Lord. May iba na deserving. So I’m very, very happy that Marian and I are okay.”

Naganap ang TV interview kay Heart sa launch ng Akemiglow, ang hithion supplement na bagong ineendorso ng aktres.

Ginanap ang mediacon na iyon sa The Chairman’s Lounge sa Okada Manila, Martes ng hapon, November 28.

ON HER VLOG SERIES

Dito ay ipinagmalaki ng Kapuso actress ang kanyang “unfiltered” vlog series, kunsaan layunin niyang ipakita ang kanyang “authentic self.”

Sabi ni Heart: “Can you imagine a lot of artists nakaka-cancel sila for something so little?

“Because yung expectation ng tao is ang taas-taas. ‘Ang perfect nila.’ It’s not like that at all.

“I feel like I’m one of the brave ones to start.

“But yun siya, e. And I’m really appreciative na nagugustuhan ng tao at appreciative rin sila.”

ON CHIZ ESCUDERO SUPPORTING HER FASHION CAREER

Napangiti naman si Heart nang usisain tungkol sa partisipasyon ng mister niyang si Senator Chiz Escudero.

Sa recent vlog ni Heart, makikitang kasama ni Heart si Chiz, na umaktong photographer habang sila ay nasa New York.

Tinawag din ni Heart ang senador bilang “social media husband” na game na game sa pagsuporta sa kanyang fashion-related work.

Ani Heart, “Dun din niya na-realize na hindi madali ang ginagawa namin.

“He’s there for me as I am there for him, too.”