Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kumpirmadong hiwalay na

Kinumpirma ng aktres na si Kathryn Bernardo na hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.

Sa isang Instagram post ngayong Huwebes, ibinahagi ni Kathryn ang throwback photo nila ni Daniel kasama ang screenshots ng kanyang mensahe para sa kanilang fans.

“Chapter closed,” caption ni Kathryn.

View this post on Instagram

Ayon kay Kathryn, alam niya ang mga kumalat na kuro-kuro tungkol sa relasyon nila ni Daniel at pagkukumpirma niya, “It’s true that Deej (Daniel Padilla) and I have decided to part ways.”

Paglilinaw ng aktres na totoo ang mahigit isang dekadang relasyon nila ni Daniel, bilang isang love team at bilang isang tunay na magkasintahan.

Nanawagan naman si Kathryn sa KathNiel fans na sana ay maintindihan ng mga ito ang desisyon nila ni Daniel na maghiwalay na dahil ito umano ang kailangan nila ngayon.

“Kathniels, we know you are hurting, and trust me, this also hurts us both more than you can imagine. The last thing we want is for this family to break apart with everyone taking sides—please don’t. Deej and I will continue to support each other as we try to heal and move forward from this. We will continue to love you and make you proud, but we hope you understand that this is something we really need. We hope you can join us in this healing process and not let those precious memories go to waste. Kaya natin to.”

Hindi man sinabi ni Kathryn kung ano ang naging dahilan ng hiwalayn nila ni Daniel pero inamin niyang hindi naging madali ang mga nakaraang buwan sa kanilang magkasintahan.

Samantala, kasunod ng nakakalungkot na post ng akrtes nag-post din si Daniel sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Kathryn, kalakip din ang mensahe niya para rito at sa kanilang fans.

“Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito, Isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka. At mahalin mo,” sulat ni Daniel.

View this post on Instagram

Matatandaan na umugong ang isyu ng hiwalayan nina Kathryn at Daniel nang mabanggit ni Ogie Diaz sa isang vlog na palihim umanong nagkikita sina Daniel at ang aktres na si Andrea Brillantes. Wala naman nagging tugon ang parehong kampo tungkol dito.

Samantala, narito ang ilan pang celebrity breakups na gumulat sa marami: