Netizens question timing of Xander Ford apo.logy to Kathryn Bernardo: “Feeling Close ka sa totoo lang.”

Xander Ford still seeks apology from Kathryn Bernardo after caling her "sakang"

Sinita ng netizens ang social media personality na si Xander Ford dahil sa ipinost nito sa kanyang Instagram ngayong Lunes, December 4, 2023.

Screenshot ito ng kanyang direct message kay Kathryn Bernardo sa Instagram account ng aktres.

Mababasa rito ang pakikisimpatiya ni Xander kay Kathryn matapos ang announcement nitong tinuldukan na nila ni Daniel Padilla ang kanilang 11-year relationship.

Inamin din niyang nagkamali siya noon sa mga masamang salita na sinabi niya kay Kathryn.

Bahagi ng mensahe ni Xander kay Kathryn (published as is), “Opo nagkamali ako sayo 7 yrs ago, nakapagsalita ako ng hindi maganda sayo at ngayon hinihingi ko ng tawad sayo yun ate Kath.”

Labis daw niyang pinagsisisihan ang yugtong iyon ng kanyang buhay.

Caption niya sa post, “7yrs Ago pero hangang ngayun bumabagabag parin sa isip ko sana ate kath isang araw mapatawad mo po ako”

Tila hindi naman nagustuhan ng maraming netizens ang post ni Xander.

Sabi ng isang netizen, “Okay, bat kelangan I post?”

Tugon ni Xander, “kasi kahit dito makita nya at malay ko magreply po sya.”

Xander Ford netizens

Puna ng isa, paano ito mababasa ni Kathryn kung sa maling account ito nagpadala ng mensahe.

Saad niya, “pano mag seen at reply ay hnd naman yan ang acct ni kath [lauging emojis] meron na syang 19.7M follower [lauging emojis]”

Xander Ford netizens

Pansin ng iba, feeling close umano si Xander at nagpapapansin.

Xander Ford netizens
Xander Ford netizens

Xander Ford netizens
Xander Ford netizens

Matatandaang noong October 2017, may nag-upload ng lumang videos ni Xander, kung saan sinabihan niyang “sakang” si Kathryn

Maririnig sa nasabing video ang tila boses ni Xander na nagpo-promote ng ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre, ang pinagbibidahang action-fantaserye nina Kathryn at Daniel noon.

Sa video ay hindi makikita ang mukha ng nagsasalita.

Ngunit maririnig ditong sinabi ng nagsasalita, “Spoiler po talaga ako. Gusto ko lang po sabihin sa inyo na yung lobo pong ginaganapan ni Kathryn Bernardo po, sakang po yun.”

Pagkatapos ay may maririnig na ibang boses na tila natawa sa sinabi ng kasama.

Patuloy ng naunang boses, “Kaya po sa mga naniniwalang gustong maging No. 1 FHM model si Kathryn Bernardo, huwag na po kayong umasa.

“Never pa akong nakakita ng sexy na sakang ang paa.”