Sarah Lahbati dodges question about rum.ored brea.kup with husband Richard Gutierrez

Sarah Lahbati assures she’ll have a good Christmas with her sons.

Nakaiwas si Sarah Lahbati sa mga tricky question ng showbiz press sa story conference ng Lumuhod Ka Sa Lupa na ginanap noong Sabado, Disyembre 9, 2023.

Ang TV5 entertainment news reporter na si MJ Marfori ang nag-iisang nag-interbyu kay Sarah.

Fashion PULIS: Insta Scoop: Sarah Lahbati Gutierrez Changes Handle to 'SLG'

“I rather not comment on anything personal if that’s what you’re asking dahil Lumuhod Ka Sa Lupa, malapit na,” diretsahang sagot ni Sarah nang maramdaman nitong tatanungin siya ni MJ tungkol sa paghihiwalay nila ng asawa niyang si Richard Gutierrez.

Mismong ang biyenan ni Sarah na si Annabelle Rama ang nagkumpirma sa social media post nitong may problema sa pagsasama nina Richard at Sarah.

Sa panayam ni MJ, kinumusta kay Sarah ang muling pagbabalik niya sa pag-arte sa telebisyon sa pamamagitan ng TV adaptation ng 1986 action-drama movie ng pumanaw na aktor na si Rudy Fernandez.

Saad ni Sarah, “I’m okay and I’m excited. I’m feeling… honestly, I’m feeling grateful and I’m feeling blessed.

“Again, parang sunud-sunod yung blessings from God and I’m just excited to get to work.

“I have a five-year-old, we have a ten-year old. Parang sabi ko, puwede na siguro.

“I’ve been a very hands-on mom. I’m still a very hands-on mom so parang I wanted to do something for myself.”

Malaki ang pagpapahalaga ni Sarah sa “self-love,” at ito ang inilahad niya sa panayam sa kanya ng TV5.

Sabi niya, “Inay ko po, napaka-important. If you wanna be able to take care of your kids the best way you can, you have to take care of yourself the best way you can also.”

Tiniyak na magiging maganda ang Pasko nila ng kanyang mga anak, sa kabila ng pahayag ni Annabelle na magdiriwang ng Pasko sa Japan ang pamilya Gutierrez pero “minus one,” na tila patungkol sa kanyang estranged daughter in-law.