Joshua Garcia reacts to f.ake news he rep.riman.ded Daniel Padilla for ch.eating on Kathryn Bernardo.

Joshua Garcia calls out Facebook page peddling fake news

Hindi pinalampas ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang isang post sa Facebook na nagpapakalat ng maling balita sa pagkakaugnay niya sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Si Joshua ay kilalang malapit na kaibigan nina Daniel at Kathryn.

Ayon sa post ng nasabing account noong December 9, 2023, nilaglag daw ni Joshua si Daniel nang magbigay ito ng statement at ibinuking nitong totoong may relasyon diumano si Daniel at Andrea Brillantes.

Si Andrea ang itinuturo ng maraming netizens na dahilan ng pagkasira ng relasyon nina Daniel at Kathryn.

Ayon pa sa post, kampi raw si Joshua kay Kathryn dahil alam nitong si Daniel ang nagloko.

Ito’y kahit ilang beses na niyang pinayuhan si Daniel na magtino sa umano’y kalokohang ginawa raw nila ni Andrea.

Mababasa sa post (published as is), “JOSHUA INILAGLAG SI DANIEL PADILLA”

“Joshua Garcia alam pala lahat ng kalokohan ni Daniel Padilla”, si Joshua ang pinalit ni Daniel kay Dominic.

“Sorry bro Dj, but this time I’ll go for Kath. Matagal na kitang sinabihan na ayusin mo yung ginagawa mo at yung relasyon niyo ni Kath, pero hindi ka nakinig at tinuloy mo yung mga kalokohang ginagawa niyo ni Andrea. Akala ko makikinig ka pero lumalabas lang ata sa tenga mo yung mga sinasabi ko sayo.

“Yung sa Spain with Andrea, totoo yun. Sorry bro pero hindi kita pagtatakpan.”

Naka-link pa sa source ng post ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaya nagmukha itong lehitimo kahit wala namang iniulat ang PEP.ph na ganito.

Mabilis itong nakarating kay Joshua nang may isang netizen ang nag-tag sa kanya sa X (dating Twitter) ngayong Lunes, December 11, ng screenshot ng nasabing Facebook post.

Saad ng netizen na nagbigay pansin kay Joshua (published as is), “@iamjoshuagarcia oh andami nauto mga tao nga nman , hindi talaga maiwasan na madami parin ang mga uto uto! Mga madali paikutin ng fake news how sad haha.”

Agad itong ni-repost ni Joshua, kalakip ang maikling caption na, “FAKE NEWS!”

KATHNIEL BREAKUP

Noong November 30, 2023, halos magkasunod na nag-post sa Instagram sina Kathryn at Daniel para ianunsiyo sa publiko na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.

Sa kanilang statement, kapwa nila pinasalamatan ang isa’t isa dahil sa ilang taon nilang pagsasama hindi lang bilang magnobyo’t magnobya kundi bilang magka-love team, ang KathNiel.

Bahagi ng pahayag ni Kathryn, “I’m well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me; It’s true that Deej and I have decided to part ways.

“Like any relationship, we tried our best to make it work. We’ve been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can’t go back to were we used to be.

“It just won’t be fair to pretend that everything is still the same.”

Sa statement naman na inilabas ni Daniel, sinabi niyang hindi mawawala ang pagmamahal niya kay Kathryn sa kabila ng kanilang hiwalayan.

Hindi nagbigay ng dahilan si Daniel kung bakit sila nag-break ni Kathryn.