Annabelle Rama ends r.ift with Cristy Fermin: “Salamat sa maganda mong sinulat sa akin.”

Annabelle Rama, Cristy Fermin end rift

Tinapos na ni Annabelle Rama ang matagal na nilang hidwaan ng veteran showbiz writer at host na si Cristy Fermin.

Sa Facebook kahapon, December 13, 2023, inilahad ni Annabelle ang masalimuot na kuwento kung paano sila nagkairingan noon ni Cristy at kung paano sila nagkapatawaran ngayon.

Kuwento niya (published as is), “Mabait talaga sa akin ang Sto. Nino. Sa mga nangyari sa amin na intriga ngayon pinili kong manahimik na lang at pinaubaya ko na lang kay Sto. Nino ang lahat.

“Pag gising ko kaninang umaga maraming text ako natanggap at mga missed calls from my friends na tunay na nakakakilala at nagmamahal sa akin.

“At sabi nila ay may maganda daw silang nabasa sa facebook na sinulat ng number one kong kalaban at pinagtatanggol ako this time.

“Di ako naniwala at baka kako fake news na naman at ginamit lang ang pangalan niya.”

Pati mga anak daw niya ay nalaman din ang ginawang artikulo ni Cristy tungkol sa kanya.

Kaya pinapa-double check pa raw niya ito.

Dagdag ni Annabelle (published as is), “Nang kumakain na kami, sinabi ng anak ko, na maganda raw ang sinulat ng nasabing reporter at ipinagtanggol ako, kako baka fake, kaya pina check ko sa PR ng Gutierrez family at na confirmed nga niya na legit iyon account at siya nga mismo ang sumulat.”

Dito na nagbalik-tanaw si Annabelle tungkol sa sigalot nila ni Cristy lagpas dalawang dekada na ang nakaraan.

Dawit sa kuwento ang anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez.

Aniya (published as is), “Siguro mga 25years ago, nag katapat na kami nyan, dahil naman sa pag tatanggol ko kay Ruffa. Grabe away namin noon, nag ka demandahan pa kami hanggang sa supreme court. After that incident, iniwasan ko na sya dahil ayaw ko na sya makita.”