Marian Rivera, Dingdong Dantes visit It’s Showtime; netizens ask, “asan si Karylle?”

Sa kauna-unahang pagkakataon, bumisita sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime ang Kapuso real-life couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Naganap ang pagbisita ng mag-asawa sa nasabing programa ngayong Sabado, December 16, 2023, para i-promote ang pelikula nilang Rewind.

Ang Rewind ay ang comeback film nina Marian at Dingdong at isa sa mga official entry sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nakatakdang ipalabas sa December 25.

Cuộc sống của nữ diễn viên đẹp nhất Philippines | Tin tức Online

Sinalubong naman ng malakas na sigawan sina Marian at Dingdong sa It’s Showtime.

Binati rin nila ng mag-asawa ang televiewers nang isigaw ang “What’s up, Madlang Pipol.”

Pagbabahagi ni Dingdong, malaki ang pasasalamat niya ngayong taon dahil matapos ang labing-tatlong taon ay muli niyang nakatambal si Marian sa isang proyekto.

Ang romantic-comedy film na You To Me Are Everything ang huling pelikulang pinagtambalan nina Marian at Dingdong noong 2010.

Saad ng Kapuso TV host-actor, “Para sa akin grateful ako sa taong ito dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho ang asawa ko.

“Kasi sobrang busy po niya, kaya noong binigyan kami ng chance to work together, parang hindi siya trabaho, parang nagde-date lang kami araw-araw.

Marian Rivera admits Dingdong Dantes not her type back then: 'Walang magic, walang spark' | Inquirer Entertainment

“Kaya pinagpapasalamat ko talaga yun.”

Sundot na tanong ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro, “Meron ba, DongYan, kapag sa bahay, yung aktingan ninyo sa pelikula, ‘Dapat pala ang ginawa ko ganito-ganyan.'”

“Yung dapat ginawa mo sa pelikula, ginawa mo sa totoong buhay,” paglilinaw naman ni Vice Ganda.

Mabilis na sagot ni Dingdong, “Oo meron, may ganun.

“‘Ayun nga yung pinakanahirapan kaming eksena yung kissing scene namin, e.

“Kasi hindi namin alam kung paano gagawin.”

Marian Rivera, Dingdong Dantes visit It's Showtime

Pagsang-ayon naman ni Marian, “Uy totoo yun, ha. Sa rami na ginawa namin doon sa movie na mabibigat na eksena doon kami nailang, sa aming intimate scenes.

“Ang weird kasi kung alam niyo lang kung paano kami sa personal, sa totoong buhay.

“Ang hirap i-acting.”

NETIZENS ASK, WHERE IS KARYLLE?

Kasabay ng pagbista ng DongYan sa It’s Showtime ay ang pag-trending naman ng pangalan ng isa pa sa Kapamilya noontime show host na si Karylle sa X (dating Twitter).

Maraming netizens ang naghanap kay Karylle dahil wala ito sa It’s Showtime sa araw ng pagbisita nina Marian at Dingdong.

Si Karylle ay ex-girlfriend ni Dingdong.

Tweet ng isang netizen (published as is), “Asan si Karylle?”

Saad ng isa, “Ayyyy shoeta wala si Karylle. Hindi naman sya nakulong sa…. charot! Sayang. Anyway, happy to see Marian Rivera and Dingdong Dantes sa Showtime. Bet ko yung Rewind qlong with Mallari and Firefly.”

Sabi pa ng isa, “yea, show business is show business and that “guesting” is really needed to promote the movie, but leave karylle alone. she isn’t part of the movie so why are you guys looking for her?”

Karylle: 'I love serenading couples in love'

Marami rin sa fans ni Karylle ang nagtanggol sa kanya sa mga netizen na patuloy siyang hinahanap.

Anang fans ng anak ni Zsa Zsa Padilla, may sakit si Karylle kaya hindi ito nakapasok sa It’s Showtime.

Tumutugma naman ito sa naging tweet ni Karylle noong December 13.

Mababasa sa kanyang tweet, “Woke up sick so I’ll be missing work for a couple of days! Stay healthy everyone.”