Wilbert Tolentino defends Herlene Budol amid con.trove.rsy involving Rob Gomez

Wilbert: “Truth will always prevail & Mistake is part of human being.”

Ipinagtanggol ni Wilbert Tolentino si Herlene “Hipon” Budol sa matinding bashing matapos masangkot ang pangalan ng Kapuso beauty queen-actress sa umano’y pangangaliwa ng aktor na si Rob Gomez.

Dating manager ni Herlene si Wilbert.

Si Rob ang co-star ni Herlene sa Magandang Dilag, ang GMA afternoon series na umere mula June 26 hanggang November 10, 2023.

Isa sa mga nagtanggol kay Herlene sa kontrobersiya ay si Wilbert.

Nitong Huwebes, December 21, nag-post si Wilbert sa Facebook ng litrato ng pagkikita nila ni Herlene, kasama ng dalawa pang YouTuber na sina Jomar Lovena at Whamos Cruz.

Không có mô tả.

Sa comments section ng post ni Wilbert, bumuhos ang komento patungkol kay Herlene dahil tila ito ang first apperance niya matapos pumutok ang isyu.

Kuwinestiyon ng isang netizen kung bakit “naka off” ang comments section ng social media account ni Herlene sa gitna issue.

Sabi pa ng netizen (published as is): “gawa2 ng issue tas hnd din pala kaya harapin mga chismosa gaya ko!”

Tigilan na raw ni Herlene ang pakikipag-ugnayan sa lalaking pag-aari na ng iba.

Ang komentong ito ay hindi pinalampas ni Wilbert.

Agad niyang pinalagan ang nagkomentong netizen at sinabing walang masama sa pag-o-off ng comments section lalo na kung makakatulong ito sa peace of mind ng isang tao.

Pahayag ni Wilbert (published as is), “ako po nag off ng comment po dahil indi natin ma please lahat lalo na sa socmed po. Hope u guys understand.”

Wilbert Tolentino sheds light on Herlene Budol's distressing experience at int'l pageant | Philstar.com

Ibinahagi rin ni Wilbert na nagpaabot na rin siya ng mensahe sa dating partner ni Rob na si Shaila Robertera para malaman ang panig nito.

Saad ni Wilbert, “Matapos po ang issue once we meet @shaylaroberta po, Always remember there are two sides of the story.

“Truth will always prevail & Mistake is part of human being.

“I already reach Ms. Shayla po since yesterday kht indi na ako Manager ni Herlene. I still concern for both parties dahil we are KF family clan po.”