Ivana Alawi, naiyak sa prank ni Marian: “Hindi kasi nagpa-prank si Marian Rivera”

– Hindi napigilang maiyak ni Ivana Alawi sa prank sa kanya ni Marian Rivera

– Idol na idol pa naman niya umano si Marian kaya naman ganoon na lamang ang takot niya sa pag-aakalang natarayan siya nito

– Sa umpisa pa lang ng vlog ay kinakabahan na si Ivana dahil dati lamang niyang pinanonood ang kanyang idolo

– Subalit sa naturang vlog din nabanggit ni Marian na bihira siyang tumanggap ng interview na gagawin sa sarili niyang tahanan at isa sa napagbigyan niya ay si Ivana

Talagang naiyak si Ivana Alawi sa prank sa kanya ng idolong si Marian Rivera.

Ivana Alawi, naiyak sa prank ni Marian: "Hindi kasi nagpa-prank si Marian Rivera"

Sa kanyang pinakabagong vlog, talagang hindi inasahan ni Ivana na ‘matarayan’ siya ni Marian.

Iyon pala, kinasabwat na ni Mona Alawi si Marian na i-prank si Ivana. Pagbibiro pa ni Mona, iyon daw umano ang language of love nilang magkakapatid.

Kaya naman sa kalagitnaan ng ‘Mukbang / Q&A’, nagulat si Ivana nang sitahin siya ni Marian sa pagiging late umano.

Hindi na nakaimik at hindi nakapagpaliwanag si Ivana hanggang sa tuluyan na siyang naiyak. Nagkunwari na ring nag-walkout ang ‘Rewind’ star.

Ngunit nang makita siya ni Marian na umiiyak, agad siya nitong niyakap at sinabing ‘It’s a prank!’

Gayunpaman, nabanggit ni Marian sa naturang vlog na bihira siyang tumanggap ng interview sa kanila mismong tahanan. Isa si Ivana sa kanyang napanunlakan.

“Alam mo ba pihikan ako. BIhirang-bihira lang akong tumatanggap ng nag-iinterview sa’kin na ginagawa dito sa bahay, isa ka ‘dun sa nag-yes ako”

Narito ang kabuuan ng vlog:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na “StarStruck” sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.6 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Isa rin sa kinatuwa ngayon ng fans ni Ivana ay ang pagkakasama nito ngayon sa cast ng Batang Quiapo. Gumulantang sa publiko ang kanyang paglabas sa naturang serye bilang si Bubbles.