Sharon Cuneta dispels rumored br.eak.up with Kiko Pangilinan: “Nagtatampo ako pero okay kami.”

Sharon, Kiko deny separation rumors

Sunud-sunod ang cryptic posts ni Sharon Cuneta sa kanyang social media nitong mga nakaraang araw.

Pero minsan ay wala siyang caption dito. Puro lamang ito quote card.

Nang mag-post si Sharon ng larawan niya kasama ang apat na anak habang putol ang ulo ng mister na si Kiko Pangilinan, naghinala ang netizens na may pinagdaraanan ang mag-asawa.

Sharon Cuneta putol post

Pero binura naman ito ni Sharon.

Kagabi, December 27, sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 Gabi ng Parangal, kumpleto ang pamilya ni Sharon na dumalo sa okasyon.

Kasama ng Megastar si Kiko at mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel Pangilinan.

Caption pa niya sa post bago tumungo ng New Frontier Theater sa Cubao, “Pamily Ficture papunta po sa MMFF Gabi ng Parangal ngayon. Live po ngayon sa FB!”

Sa red carpet, nakapanayam ng ilang media ang mag-asawa at naitanong sa kanila ang tungkol dito.

Kuwento ni Kiko sa TV Patrol ngayong gabi, December 28, “Hindi exempted ang anumang marriage sa mga pagsubok. E, ganun lang talaga.

“Ang kaibahan lang sa amin, siyempre very public, di ba? Pero lahat ng mga mag-asawa, may kanya-kanyang dinadaanan din.”

Paliwanag ni Sharon, kapag daw may lover’s quarrel sila ay nagagawa niya ang mga ito.

Aniya, “Siyempre, nag-e-LQ kami minsan, nagtatampo ako pero okay kami, okay kami. The family is here. You know my husband is very quiet.”