Jak Roberto “touchy” sa Vivamax star na si Ava Mendez? Barbie Forteza, no comment sa showbiz breakups ngayong 2023

Mukhang gusto lang paingayin itong vlog ng Vivamax artist na si Ava Mendez kaya ginamit ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto.

Ang naka-title sa naturang vlog ay “Ava Mendez umamin na sa nangyari sa kanila ni Jak Roberto!”

Ikinuwento ng Vivamax star sa vlog nang nagkasama sila ni Jak na dumalo sa birthday party ng isang common friend nila. Naging “touchy” raw sa kanya ang Kapuso hunk actor nang malasing na ito.

May mga nagpakuha pa raw ng litrato na kasama ang ibang imbitadong guests ng kaibigan nila. Pero ang ipinalabas na litrato ay yung silang dalawa na lang ang magkatabi at tinanggal na sa litrato ang ibang kasama.

Nabigyan tuloy ito ng malisya.

Pero nilinaw rin ni Ava na hindi niya type si Jak.

Bago pa lumabas ang isyung ito, nakatsikahan namin ang girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza nang dumalo ito sa celebrity premiere ng pelikulang Firefly ng GMA Picture kamakailan.

Ayon kay Barbie, hindi raw gaanong nagkikita at nag-uusap ni Jak dahil pareho silang abala nung bago mag-Pasko.

Nababalitaan daw nila yung mga isyung hiwalayan, pero wala raw sila sa lugar para pag-usapan yun.

Ani Barbie, “Actually, ang mga ganyang bagay is not our place to talk about kasi it does not involve us and we’re not friends with anyone na nai-issue. So, hindi kami para maki-comment, di ba?

“Kumbaga, we will respect their personal lives. We respect their privacy and just wish for everyone’s healing.

“Actually, una sa lahat, medyo hindi na nga kami nakakapag-usap kasi super live siya, di ba, gawa ng business niya.”

Nakalipat na si Barbie sa bagong bahay niya, at kasama rin nila si Jak na nag-celebrate ng Pasko.

“Ang mga ganyang mga bagay, dyusko! Yung mga ganyang mga bagay naman, hindi para kami i-entertain pa kasi nga, again, hindi naman kami involved.

“And we respect personal lives and privacy, and everyone’s decision as well, and just wish for everyone’s healing.

“As for us, bising-busy kami… siya paghahanapbuhay, at ako ay maglipat. So, hindi na namin pinag-uusapan yun.

“Importante pa rin sa amin yung trust and love,” bulalas ni Barbie.

Ang pinaghahandaan at excited ngayon si Barbie ay ang seryeng pagsasamahan nila nina Alden Richards at David Licauco, ang Pulang Araw. 

“Yes! I’m very excited to finally start taping for Pulang Araw. Actually ngayon, nagta-tap dance classes na ako.

“Nandun pa lang tayo sa nagka-class. Sabihan ko kayo pag marunong na ako,” natatawang pahayag ni Barbie.

Malakas pa ba ang tambalang BarDa nina Barbie Fortza at David Licauco?

Iyon kasing limited series nilang Maging Sino Ka Man ay lotlot sa ratings game.

Nang mag-streaming ang Maging Sino Ka Man sa Netflix Philippines, isang araw lang iyong napasama sa Top 10 TV shows — noong Disyembre 15. Nasa pansampung puwesto iyon, at kaagad naligwak.

Si Ava Mendez ay lumabas sa 2022 Vivamax movies na Laruan, Purificacion, 5 in 1, Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili, #DOYOUTHINKIAMSEXY, at The Escort Wife.

Nagbida si Ava sa Domme katambal si Ali Asistio. Nag-streaming ito noong Marso 17 this year.

Kagaya ni AJ Raval na bida sa Sugapa, walang ibang Vivamax project si Ava ngayong 2023. Wala pa ring naka-line for 2024 streaming.

Sandamukal ang mga baguhang artista sa Vivamax.

Streaming na rito umpisa ngayong Disyembre 29, Biyernes, ang pelikulang Hibang kung saan bida ang mga baguhang sina Rica Gonzales at Sahara Bernales. Ang lead actor ay si Ali Asistio.

May upcoming movies sa Vivamax sina Angeli Khang, Christine Bermas, Micaella Raz,Apple Dy, Manang Medina, Yen Durano, at Andrea Garcia.

What about Cloe Barreto, Janelle Tee, and Ayanna Misola?