Politician na may konek sa showbiz, hiwalay na sa asawa; guwapong aktor, hiwalay na sa magandang misis

blind item

Kuwentong hiwalayan pa rin ang nasagap naming pasabog sa pagpasok ng 2024!

Ayon sa reliable source ng PEP Troika, matagal nang hiwalay si kilalang politician na may konek sa showbiz sa kanyang non-showbiz na asawa.

Parang ayaw naming maniwala, dahil tahimik lang si wifey na hindi umeeksena sa mga ginagawa ni politician.

Maaring ayaw lang nilang pag-usapan pa, kaya tahimik lang sila. Hindi lang kami nagkaroon ng chance na tanungin si politician dahil mas gusto niyang pribado at tahimik ang mga personal niyang isyu.

Baka pag tanungin ko siya tungkol sa isyung iyan, sasagutin lang ako ng bisayang sagot na “ambot sa imo!” dahil iniiwasan talaga niyang kalkalin pa namin ang mga ganoong bagay.

Kung totoo nga itong nasagap naming hiwalay na nga sila, naku! Baka mag-aagawan ang mga magagandang girls kay politician!

Naririnig kasi namin noon pa na type nilang dyowain si politician. Bakit kaya?

Kukumpirmahin pa namin ang tsikang ito kapag magkaroon kami ng pagkakataong makausap si politician o ang mga trusted people na nakapaligid sa kanya.

NOEL FERRER:

Kung anuman, magandang larawan pa rin sila ng pamilya niya sa mga posts noong Kapaskuhan.

At least beyond politics at showbiz ang kanilang relasyon, at siguro’y mas OK na nga silang hiwalay. Maligayang Bagong Buhay sa kanila!

JERRY OLEA:

Balitang hiwalay na rin ang isang guwapong aktor at ang kanyang magandang misis. Uusisain ko sana ang kaibigang Ogie Diaz tungkol dito.

E, nabasa ko ang Facebook post ni Ogie, “Happy New Year po sa inyong lahat!

“Malungkot po ako ngayon kasi nag-iisa lang ako. Di ko po nakikita ang pamilya ko. Di bale, may awa ang Diyos, hopefully, makita ko sila paglabas ko ng cr.”

Advance HBD, Ogie!!!