Ion Perez promises to love Vice Ganda “until 2090!”

Ion Perez to Vice Ganda: "Until 2090! MuhLOVE"

Sa pagpasok ng Bagong Taong 2024, nangako si Ion Perez na mamahalin niya hanggang “2090” ang asawang si Vice Ganda.

Sa Instagram nitong nakaraang January 1, 2024, nag-post si Ion ng ilang videos nila ni Vice na kuha sa travels nila noong 2023.

Caption ni Ion, mahaba-haba raw ang itatagal ng kanilang pagmamahalan ni Vice na maaring tumagal hanggang “2090” 66 years mula ngayon.

Saad ni Ion, “Until 2090! MuhLOVE [heart emojis]

“Welkam twenty twenty four!”

Komento ni Vice, nalamangan na naman siya ng partner. Goal daw niya ngayong taon ang matutong mag-edit para hindi siya maunahan lagi ni Ion sa pagpu-post.

Ayon kay Vice, “Waaaahhhhhhh napakadaya!!!! Nalamangan mo na naman ako! Ang goal ko this 2024 ay matuting magedit para di ka nakakalamang sa posting! Bwak bwak bwak!!!!

“I love you babe ko! This year will be an amazing one for us, our families, those we love and those who love us! Happy New Year asawa ko!”

Ion Promises to love Vice Ganda until 2090

VICE-ION RELATIONSHIP

Taong 2018 unang na-link sina Vice at Ion.

Bandang Marso ng nasabing taon, mas lalong uminit ang usap-usapan tungkol sa dalawa.

Noong panahong iyon, kapapasok pa lamang ni Ion sa It’s Showtime bilang Kuya Escort sa segment na “Miss Q&A.”

Umamin si Vice sa relasyon nila ni Ion noong October 26, 2019, kasabay ng selebrasyon ng ika-sampung anibersaryo ng Kapamilya noontime show.

Ginawa ni Vice ang pag-amin pagkatapos ng performance niya sa “Magpasikat,” isang segment ng It’s Showtime.

Nagkuwento ang TV host-comedian tungkol sa pagiging mag-isa, dahil wala siyang kasamang host para sa kanyang “Magpasikat” performance.

Ayon kay Vice, lagi niyang sinasabi sa mga meeting nila na kaya niyang mag-isa, pero ang totoo ay hindi niya ito kaya.

Sabi niya, “Mahirap sa buhay na maramdaman mong mag-isa ka at pinipilit mong kumbinsihin yung sarili mo na kaya mo mag-isa.

“In reality, sa totoong buhay, hindi po natin kayang mag-isa. Kailangan natin ng katulong.

“Maaaring pamilya o ang Panginoon, pero kailangan natin ng tulong. Hindi tayo puwedeng mag-isa.”

Pagkatapos nito ay sinabi ni Vice na hindi siya nag-iisa, makalipas ang maraming taong naramdaman niyang siya ay mag-isa.

Pagpapatuloy ni Vice, “At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

“Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.

“At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa.

“Meron na akong katuwang sa buhay.”

Doon na niya isiniwalat ang tunay na estado ng relasyon nila ni Ion.

October 19, 2021, ikinasal ang dalawa sa Las Vegas.